Pokwang on marrying American boyfriend Lee O'Brian: "Naka-lineup din!"

Pokwang is happy that her boyfriend Lee O'Brian makes good his word to stay in the country, will it lead to marriage soon? She says, "Darating tayo diyan. Sayang nga, wala na si Direk Wenn... Sobrang happy siya na nakatagpo ako ng love life."


Halos langgamin ang ka-sweet-an ni Pokwang at ng kanyang American boyfriend na si Lee O'Brien sa launching ng Direk To Da Poynt, na ginanap noong July 2, Le Reve Events Place, Diliman, Quezon City.

Ang Direk To Da Poynt ay ang librong isinulat ni Direk Wenn Deramas bago ito pumanaw noong February 29, taong kasalukuyan.

Nang pansinin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagiging sobrang malambing nila ni Lee, nangingiti ang komedyana sa kanyang reaksiyon.

Aniya, “Okey naman, masaya.

“Ganun naman kami sa isa't isa, malambing.

“Pa-holding hands effect, ganern.

“Parang normal lang naman ito sa amin.”

Masaya si Pokwang na tinupad ni Lee ang kanyang pangakong manatili na sa Pilipinas for good.

Saad ng Kapamilya comedienne, “Dito na siya.

“Si Ogie Diaz ang nagha-handle sa kanya.

“Inayos naman niya yung mga dapat ayusin dun [sa Amerika], naayos namn niya.

“Sa ngayon, yes, may mga naka-lineup naman sa kanyang projects, thank God.

“Merong sa ABS CBN, pero freelancer naman siya.

“Kung saan-saan, at kasama ko rin siya sa isang indie movie for Cinemalaya.”

Tungkol naman sa plano nilang magpakasal, kumusta na pala ito.

Tugon ni Pokwang, “Darating tayo diyan.

“May mga ganung ano... naka-lineup din. Hahaha!

“Sabi ko sa kanya, gusto ko yung ano lang, simple lang talaga, yung intimate lang.

“Sayang nga, wala na si Direk Wenn, unang-una sa listahan ko 'yan.

“Pero, for sure, masaya naman siya for me.”

REMEMBERING DIREK WENN. Si Pokwang ay isa sa mga malalapit na kaibigan ni Direk Wenn at ilang pelikula rin ang kanilang pinagsamahan.

Pagbabalik-tanaw niya, “Marami, marami.

“Siyempre, yung kauna-unahan kong drama-comedy, yung Maid In Heaven, siya yung direktor ko.

“Tapos mga movies, siyempre The Lucky Ones, Apat Dapat, tapos yung pinakahuli ko nga, yung Wam Fam, marami.”

Hindi nga raw niya makalimutan ang huling kuwentuhan nila ng yumaong blockbuster director.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung huling tsikahan namin ay yung nabuntis nga ako't nalaglag din.

“Sobrang nag-alala siya akin.

“Sabi pa naman niya, 'Alagaan mo 'yan, magandang lahi 'yan. Kung maging babae 'yan, gagawin natin yung Bakekang, siya si Crystal.'

“Sobrang happy niya nang mabuntis ako.

“Gusto nga niya munang ma-move yung shooting ng Wam Fam, kasi nag-alala siya sa kalagayan ko.

“Yun ang lagi naming tsikahan sa set.

“Sobrang happy siya na nakatagpo ako ng love life.”

Hanggang ngayon nga raw ay ramdam ni Pokwang ang pagkawala ng kaibigang direktor.

“Oo, kasi sobrang siya ang unang nakaintindi sa akin.

“Masakit mang sabihin, pero hindi ko siya kapatid o kapamilya, pero siya ang unang-unang nakaintindi ng kalagayan ko, ng nararamdaman ko.

“Siya yung masaya, ganun.”

Lagi nga raw kasabay sa mga dalangin ni Pokwang ang yumaong direktor.

Kuwento pa niya, “Kanina nga lang, pagkaligo ko, naghahanap ako ng pambihis, yung pambahay lang.

“Sa dinadami-dami ng mga T-shirts na mahuhugot ko, bakit yung T-shirt ng Wam Fam ang nahugot ko.

“At ang T-shirt na yun ay sa kanya galing, nagpagawa siya ng T-shirt na ipinamigay sa mga tauhan sa set, sa crew, at sa staff.

“Sa dinadami-dami, yun ang nabunot ko.

“Kaya sabi ko sa kanya, 'Oo, darating ako ako sa book launching.'”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN