Vivian Velez spearheads fundraising for colleague Dick Israel

Matapos maging viral ang sitwasyon ngayon ng character actor na si Dick Israel ay nagsimula nang kumilos ang ilang kasamahan niya sa industriya upang manawagan at magbigay ng tulong.


Matapos maging viral sa social media ang sinapit ng character actor na si Dick Israel ay nagsimula na ring kumilos ang ilang kasamahan niya sa industriya upang matulungan siya.

Kabilang si Dick sa mga nasunugan sa Evangelista St., Brgy. 144, Caloocan City, kamakailan.

Wala raw naisalba na kahit anong kagamitan ang aktor at ang kanyang pamilya dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy.

Maging ang wheelchair na siyang tumutulong upang makakilos siya ay kasamang natupok ng apoy.

Hirap na kasing makakilos at magsalita si Dick mula nang ma-stroke siya noong 2010, at ngayon ay may iba pa siyang sakit.

Kahapon, July 3, isang netizen na nagngangalang Sidemiod Francisco Datanam ang nagbigay ng update ng kalagayan at sitwasyon ni Dick.

Read: Dick Israel needs help!

Agad na naging viral ang nasabing post at nakarating na rin sa mga nakatrabaho noon ni Dick.

Kabilang na rito ang aktres na si Vivian Velez, na nakasama ni Dick noon sa ilang pelikula.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account ay nanawagan si Vivian sa mga nais tumulong kay Dick:

"Dick Israel is in dire need of aid after a fire razed his house in Caloocan City on Saturday.

"The actor, 57, had already fallen on hard times after he suffered a stroke in 2010 that left half his body paralyzed and impaired his speech.

"Damay Kamay is the coordinator of the fundraising campaign for our dear friend and co actor Dick Israel.

"Any support will be highly appreciated by us.

"Please take a photo of the deposit slip and send it to me or Damay Kamay so we can account for it."

Sa mga nais tumulong, maaari silang magdeposito sa Security Bank Tomas Morato Branch, Checking account number 5318 2600 0275 006.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN