Cai Cortez on AlDub: "They're good for each other."

Cai Cortez on Alden Richards and Maine Mendoza: "Totoong tao pa rin sila, sobrang down to earth, sobrang makatao."


Sobra ang excitement na naramdaman ni Cai Cortez noong malaman niyang gagawa siya ng pelikula kasama ang sikat na love team nina Alden Richards at Maine Mendoza.

“The whole time na sinabi sa akin na may movie… kina Mr. [Tony] Tuviera nga, hindi ko po alam kung sino ang kasama ko.

“Nalaman ko na lang noong nag-storycon at nakita ko sila.

“Doon nag-sink in, ‘Oh, my gosh, AlDub!’

“Movie talaga nila, kaya na-excite talaga ako, of course, this is the AlDub.

“Talagang nagma-mark sila ng mga love teams of our generation talaga.

“It will go down in history at matatandaan talaga ng mga kahenerasyon namin,” saad ni Cai sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng pelikulang Imagine You & Me, sa Novotel Hotel, noong July 1.

REAL PEOPLE. May napansin ba si Cai na sweetness kina Maine at Alden?

Sagot niya, “Oo, kapag si Alden antok na antok na di na niya kaya, si Maine yung nag-a-advice.

“‘Alden, kailangan di tayo mawalan ng energy kasi lahat ng tao ay binabayaran naman, kailangan ay makisama tayo.’

“Supportive sila sa isa’t isa. Kumbaga, they’re good for each other.”

Marami pang ikinatuwa si Cai tungkol kay Alden at Maine habang ginagawa nila ang pelikula.

Kuwento niya, “Noong nakatrabaho ko na sila, nakakagulat dahil kahit alam mong sobrang sikat nila at sobrang It couple.

“Totoong tao pa rin sila, sobrang down to earth, sobrang makatao.

“Kapag parang pagod na pagod ka na, talagang nagtsi-cheer sila sa isa’t isa at sa mga tao sa paligid nila.

"Ang gaang katrabaho, walang kabigat-bigat, kaya ang sarap ka-work.

“In fairness, ang pinaka-tumatak sa akin, sobrang gentle nilang tao at hindi sila mareklamo, ganyan.

“Noong antok na antok na kami at parang wala nang energy, si Maine talaga yung parang bumubulwak yung energy.

“Hindi ko alam kung saan po siya humuhugot, parang sinasapian, parang ganoong level.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang mayroong mga twelve na kaluluwa pong nasa loob ni kapatid sa dami ng energy niya.

“Kaya nakakatuwa, ang sarap pong katrabaho.

“Tapos si Alden din ay walang reklamo, go lang nang go, smile lang palagi.

“Kahit patulog na, naka-smile pa rin, e.

“Napakasarap talaga at I’m so lucky to be part of this film.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN