Alden Richards rewards himself with a Jaguar for his hard work

Alden Richards on his investments: "Kailangan ko po kasi… kumbaga, yung opportunity po na ibinigay sa akin, lagi ko pong iniisip, puwede siyang mawala kinabukasan kaya sinisigurado ko po. Every day, I'll make sure na secured po yung future ko at ng future po ng family ko."


Si Alden Richards ang isa sa maagang dumating sa house blessing ng bagong bahay nina Vic Sotto at Pauleen Luna, sa Laguna, kahapon, July 3.

Malapit lang daw doon ang ipinatayo niyang bahay, na naipa-bless na rin niya sa kaibigang pari nina Vic at Pauleen na si Fr. Jeff Quintela.

Pagkatapos ng house blessing, pinakiusapan ni Alden si Fr. Jeff na basbasan na rin ang bagong bili niyang black Jaguar sports car.

Halos tatlong buwan na raw itong nagagamit ng Kapuso actor-TV host at kailangan na niya itong pabasbasan.

Ayon kay Alden, matagal na niyang pangarap na magkaroon ng sports car, kaya binili niya itong Jaguar.

“Ito na lang po ang ano… kumbaga, parang regalo ko na po ‘to sa sarili ko ang ganitong sports car.

“Kahit puwede na po ‘to. Okay na po,” pahayag ni Alden sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

INVESTMENTS. Bukod sa Jaguar, nagsisimula na ring mag-invest si Alden para sa kinasabukasan niya at ng kanyang pamilya.

Sabi ng Pambansang Bae, “Ayun po, yung restaurant ko po sa Tagaytay [Concha], okay naman po.

“Tapos yung farm ko po sa Batangas, sa Lemery.

“Tapos yung bahay po namin.”

Dagdag niya, “Kailangan ko po kasi… kumbaga, yung opportunity po na ibinigay sa akin, lagi ko pong iniisip, puwede siyang mawala kinabukasan kaya sinisigurado ko po.

“Every day, I’ll make sure na secured po yung future ko at ng future po ng family ko.”

Inamin ng Kapuso actor na napag-uusapan din nila ng ka-love team niyang si Maine Mendoza ang mga nasimulan nilang investment.

“Si Maine, marami-rami na rin po siyang naipundar sa sarili niya.

“Pero sa kanya na lang po dapat manggaling ‘yan.

“Nag-uusap po kami regarding finances po.

“Kasi si Maine po, since mas matanda ako sa kanya, medyo binibigyan ko po siya ng advice kung papano niya po i-handle yung pera niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi siyempre ngayon, kumikita na rin siya nang sarili niya.

“Iba pa rin po yung may guidance ng magulang at iba pa rin po yung guidance ng mga nakakasama po niya outside.”

Pero sa tingin ni Alden, marunong humawak ng pera si Maine.

“Kasi po, knowing po the parents po, sina Tito and Tita, businessman po and businesswoman.

“So, I doubt kung hayaan nilang mapunta sa wala yung pera ni Maine.”

Pabirong tinanong ng PEP si Alden, kung sakaling magkatuluyan sila ni Maine, kampante ba siyang mahahawakan nang mabuti ng ka-love team ang finances nila?

“Siyempre naman po!” bulalas niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN