Angelina Mead King: "There's no need to tell anyone, I don't need to explain myself."

Ian King (left photo) is now known as Angelina Mead King, a trans woman. (Right photo) Angelina and wife Joey Mead tied the knot in 2011.


Inilahad ni Angelina Mead King ang kuwento kung paano niya sinabi sa kanyang pamilya ang tungkol sa kanyang tunay na sekswalidad.

Si Angelina ay si Ian King, ang asawa ng model-TV host na si Joey Mead, na ngayon ay isa nang trans woman.

July 2, Sabado, nang pag-usapan sa social media ang pag-aanunsiyo ni Ian sa Instagram ng kanyang "freedom" o ang pagigingtrans woman.

Read: Joey Mead's husband Ian King is now a trans woman

Sa maiksing video na ipinost ni Tim Yap sa kanyang Instagram account, mapapanood ang exclusive interview niya kay Angelina tungkol sa pag-amin nito sa kanyang pamilya at mga mahal sa buhay.

“I gave up male underwear maybe two years after dating Jo [Joey Mead],” sabi ni Angelina.

Ikinasal sina Ian at Joey noong November 2011.

Kung pagbabasehan ang kanyang Instagram posts, 2012 pa nang simulan ni Ian ang unti-unting paglalantad tungkol sa kanyang pagkatao.

Magkakaiba rin daw ang naging reaksiyon ng kanyang pamilya nang umamin si Ian sa kanila.

“My dad had a hard time definitely.”

Ang ama niya ay ang Victoria Court owner na si Archie King, na pumanaw noong July 5, 2015, dahil sa isang helicopter crash.

Pagpapatuloy niya, “My stepmom was supportive.

“My real mom [Marvy del Rosario Schuman] was supportive.

“My brother was a little weirded out with it, but came on board,” pagtukoy naman niya kay Atticus King, na dating boyfriend nina Iza Calzado at Bubbles Paraiso.

“And then we started telling... I just told our cousins maybe a few months before this.

“But now, there’s no need to tell anyone, I don’t need to explain myself,” saad ng kilalang car enthusiast.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN