Alden Richards and Maine Mendoza reveal how they feel about bashers

Despite their phenomenal success as a love team, Alden Richards and Maine Mendoza get their fair share of bashers. They have only one request—spare their family and friends. Otherwise, "God bless na lang po."


Sa July 16 ay ipagdiriwang na nina Alden Richards at Maine Mendoza ang kanilang first anniversary bilang magka-love team.

Matatandaang sa Eat Bulaga! episode noong July 16, 2015 nagsimula ang tambalang AlDub, na itinuturing na isang phenomenon sa mundo ng Philippine showbiz.

Pero sa dami ng humahanga sa kanila, hindi rin maikakailang may mga basher din sila.

Sabi ni Maine tungkol dito, “Kasi sa akin, ang palagi lang naman nilang ibinabato… yung hitsura ko.

“Malaki bibig ko, malaki tiyan ko, hindi ako makinis...

“Pero keri-keri lang yun, panlabas na hitsura lang yun.

“Yung ano na lang, kapag idinadamay ang family, kasi wala naman silang kinalaman dito, bakit?

“Sa sobrang eager nilang makahanap ng butas sa ‘yo, as in madadamay na rin yung mga taong walang kinalaman.”

Dugtong ni Alden, “Even ka-work mo, bibigyan nila ng malisya.

“And sa akin, sa pamilya rin po, yun din ang number one sa akin.

“Ang unfair po kasi, hindi naman sila nakikita, dinadamay pa.

“Kami naman, wala naman kaming ginagawang masama, bakit magkakaroon pa rin sila ng masasabi?

“Kasi hindi namin nabibigay ang gusto nilang mangyari?

“So, kami lang, masaya lang kami kung ano ang ginagawa namin ngayon.

“Doon po sa mga nangba-bash, God bless na lang po.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Alden at Maine sa grand presscon ng pelikula nilang Imagine You & Me noong July 1.

REAL SCORE. Sa loob ng isang taon bilang magka-love team ay naibahagi na nina Alden at Maine ang halos lahat ng bagay sa isa't isa.

Pero ang tanong ng marami: May relasyon na ba sila?

“Opo,” ang mabilis na sagot ni Alden.

Pero natatawang pahabol ng Pambansang Bae, “Alam niyo na po yun... mutual, nagkakaintindihan.”

Natatawang biro naman ni Maine, “Father-and-son relationship, kuya-and-ate relationship.”

Ngunit seryosong dugtong ni Alden, “Yung naging process po namin for one year, ganun din po sa movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang roller-coaster, up and down, paikut-ikot; minsan steady, minsan hindi.

“Kumbaga, nari-realize po namin na kung ano po ang naging relationship namin, nakatulong po yung mga pinagdaanan namin all throughout.”

Sabi pa ni Maine, “Parang naging strong kami, ganoon kami ka-strong.”

BEYOND IMAGINATION. Pagkatapos ng isang taon, nai-imagine kaya nilang ‘you and me’ pa rin silang dalawa?

Sagot ni Alden, “Opo naman, it’s always a constant imagination.

“Pero sometimes, sa sobrang lalim mong mag-imagine, nagkakatotoo na.”

Sabi naman ni Maine, “Minsan po, hindi lang puro fantasies ng mga supporters namin, minsan fantasy namin.”

Dugtong pa ni Alden, “Minsan, sarili po, marami pong imagination.”

Kuwento nga ng direktor ng Imagine You & Me na si Mike Tuviera, sa sobrang pagka-perfectionist daw ni Maine ay inaatake ito minsan ng nerbiyos.

Si Alden nga lang daw ang nakakapagpakalma sa kapareha.

Ayon sa aktor, “Siyempre po, since kami ni Maine ang magkasama sa Italy, we only have each other.

“The good thing about Maine, hindi naman po siya nahirapan or nagdalawang-isip na mag-open up sa akin kung ano ang problema.

“In that way po, she’s allowing me to help her… yun po ang isa sa mga bagay na naa-appreciate ko sa kanya.”

So, hindi puwedeng may iba silang kapareha?

“Parang hindi po,” sagot ni Alden.

“Parang hindi po muna,” pagsang-ayon ni Maine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN