Lani Mercado oath-taking as Bacoor City mayor presided by husband ex-Sen. Bong Revilla

Mayor Lani Mercado on husband former Senator Bong Revilla: "Basta he gives me the confidence... Hindi magiging ganito kalakas ang loob ko kundi dahil sa kanya. Everything that I am right now, siyempre una ang Panginoon, si Bong talaga ang gumagabay sa akin."


Marami ang nag-expect na manunumpa si Lani Mercado bilang bagong mayor ng Bacoor City sa kanyang anak na si Cavite Vice Governor Jolo Revilla noong July 1.

Ngunit nagulat ang supporters ni Lani sa loob ng St. Michael’s Church, kung saan ginanap ang kanyang panunumpa, nang biglang lumabas sa malaking white screen ang mister niyang si former Senator Bong Revilla.

Noong una ay inakala ng marami na live streaming ang nagaganap ilang minuto bago matapos ang termino ng mister ni Lani bilang senador.

Pero paglilinaw ni Lani, “Actually, ano yun, video siya.

“Tapos, kami yung sumusunod.

“Kasi nga natatakot kami, kapag live stream kami, baka magkaroon ng interference sa connection.

“Ginawan namin ng paraan para magkaganoon.”

Dalawang araw bago ang panunumpa ni Lani kinunan ang video ni Bong sa loob ng Custodial Center sa Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame.

Kasalukuyan pa ring naka-detain ang actor-politician dahil sa kaso nitong graft and corruption kaugnay ng diumano’y pagkakasangkot nito sa pork-barrel scam.

Kanino sila humingi ng permiso para makunan ng video si Bong?

Ayon kay Lani, “Nagpaalam kami. Hindi na namin sa court inano, sa pulis na lang.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lani sa Bacoor City Hall, kung saan ginanap ang reception pagkatapos ng kanyang panunumpa bilang mayor ng Bacoor City.

MIXED EMOTIONS. Umani naman ng malakas na palakpakan sa loob ng St. Michael’s Church ang panunumpa ni Lani kay Bong.

Sabi ng actress-politician, “Overwhelmed ako sa mga nangyayari.

“Mixed emotions, masaya na malungkot.

“Kasi siyempre, well, to the very last minute, kausap ko si Sen [Bong] kanina.

“So, kumbaga, talagang ano… talagang tutok.

“Tutok pa rin siya kahit na nandoon siya sa loob ng Crame. Nakatutok pa rin siya.

“So, you feel his concern and his support sa akin.”

Sinabi ba ni Bong sa kanya on how proud he is as her husband?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Lani, “Basta he gives me the confidence.

“'Kaya mo ‘yan. Dahan-dahan lang. Hindi mo kayang gawin ‘yan sa isang araw, dahan-dahan lang.'

“Hindi magiging ganito kalakas ang loob ko kundi dahil sa kanya.

“Everything that I am right now, siyempre una ang Panginoon, si Bong talaga ang gumagabay sa akin.”

Bahagi ng speech ni Lani pagkatapos niyang manumpa, si Bong daw ang kanyang backbone.

“Oo, whatever I am doing right now is for them to be proud na bahagi sila ng pamilyang Bautista-Revilla.”

MAYOR LANI. Bilang bagong mayor ng Bacoor City, ano ang kanyang priority projects?

“Our hospital,” mabilis na tugon ni Lani.

Saad pa niya, “Kasi lupa ‘yan na ibinigay ng father-in-law ko.

“Kami ni Bong, ni Strike [Revilla] ang nag-put up ng building.

“Dito sa… it’s close to Revilla Business Park. Property kasi na malapit sa sabungan.

“Ang entrance ay sa Revilla Business Park din.

“So, napatayo namin yung building.

“Nahingi ko na yung mga equipment niyan sa DOH and we are waiting for the delivery.

“So it’s being managed by the province. Sila ang nagma-manage niyan.

“Kami, bilang city, we plan to augment doctors, machines, manpower para ma-improve ang services, kasi talagang wala, e.

“Ang name ng ospital is Bacoor District Hospital.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN