Director Louie Ignacio dismisses talks that Kris Aquino is using GMA-7 in her negotiation with ABS-CBN

Ikinuwento ni Direk Louie Ignacio ang hindi inaasahang paggi-guest ni Kris Aquino sa morning program nila ni Marian Rivera na Yan Ang Morning. "Masaya yung guesting sa amin ni Kris Aquino. Kasi kabisado ko si Kris, e, gumawa kami ng commercial together at alam ko na kung paano ko siya kukunan... Very cooperative siya at marami siyang mga isinuggest [suggest] na gagawin nila together ni Marian," saad ni Direk Louie.


Aminado si Direk Louie Ignacio na nagulat siya nang nag-guest si Kris Aquino sa morning show nila ni Marian Rivera sa Kapuso network na Yan Ang Morning.

Si Kris ay naging panauhin sa episode na ipinalabas noong Biyernes, July 1.

Saad ni Direk Louie, “Gulat na gulat ako, kasi ano, e….

“Pero sabi naman kasi, wala pa siyang contract sa ABS-CBN.

“And si Dingdong [Dantes, Marian’s husband] yung parang kumausap para makapag-guest si Kris.

“Malaking tulong si Dingdong; si Dingdong bale iyon naging tulay para makapag-guest siya.”

Dagdag pa ng TV and film director, “Masaya yung guesting sa amin ni Kris Aquino.

“Kasi kabisado ko si Kris, e, gumawa kami ng commercial together at alam ko na kung paano ko siya kukunan.

“So, talagang memorized ko na siya.

“Masaya yung buong team, kasi parang first time nangyari yun na sa isang talk show sa kabilang network na muntik nang magkatapat, tapos mas nauna siyang mag-guest.

“Pero very cooperative siya at marami siyang mga isinuggest [suggest] na gagawin nila together ni Marian.”

May hiniling ba si Kris na bawal pag-usapan?

Ayon kay Direk Louie, “Wala namang bawal.

“Kaya lang, yung sobrang personal, huwag na muna raw.

“Kasi morning show at gusto nila ay masaya lang.

“Siya yung nag-suggest ng flower arrangement, yung mga ganoong activities.”

Ang love life ni Kris, nasabi bang bawal pag-usapan?

“Huwag na lang daw, yun na lang mga interesting daw ang pag-usapn.

“Like, yung mga luto nila, ganoon.”

FROM THE GRAPEVINE. Ano ang reaksiyon ni Direk Louie sa isyu na kaya raw nag-guest sa Yan Ang Morning si Kris ay dahil nagpapataas ito ng presyo sa gagawing negotiations sa ABS-CBN, kaya in effect ay nagamit daw ang show nila at ang GMA-7?

Wika ng award-winning director, “Ako, taga-GMA-7 ako, ha, but I don’t think so.

“Kasi, tumanaw lang siya ng utang na loob kay Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, [Leni] Robredo ‘yan, e. Yes, noong election, Robredo kasi ‘yan, e.

“So, hindi ko alam sa iba kung ano iyong pataasan ng presyo or what.”

Ang tinutukoy ni Direk Louie ay ang pangangampanya ni Dingdong sa kandidatura ni Leni Robredo bilang vice president.

Aware ba siya kung nagpaalam si Kris sa ABS-CBN para sa guest appearance niya sa Yan Ang Morning?

Sagot ni Direk Louie, “Ang alam ko ay hindi, pero wala pa naman siyang contract [sa ABS-CBN] at pag-uwi niya ay pinost agad niya sa Instagram, e.”

Nagpaparamdam din ba si Kris sa GMA-7?

“Ay, siyempre hindi ko lang alam!” bulalas niya.

“Wala naman akong natutunugan.

“Pero ang importante ay nag-guest siya sa amin at nagkita silang mag-ninang.”

Nakapanayam ng PEP.ph si Direk Louie sa premiere night ng pelikula ni Allen Dizon na Iadya mo Kami, na ginanap sa SM Megamall, noong July 2.

REFORMAT. Totoo bang ire-reformat ang Yan Ang Morning?

Sabi ni Direk Louie, “Reformat? A… wala pa naman sa show.

“Kasi, ang talagang contract niyan ay one season lang.

“So, yung one season, matatapos iyan ng July. Hopefully ay ma-extend.

“Pero mukhang mae-extend nang kaunti kasi magsu-soap si Marian, e.

“Kasi, ginawa niya yung talk show for Zia. Ayaw muna niyang magpuyat-puyat.

“Kasi sa Encantadia, puyat siya, di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN