Marian Rivera prioritizes Baby Zia over new primetime series

Marian Rivera on why she turned down a Kapuso primetime teleserye slated for September: "Hindi naman lingid sa kaalaman ng GMA na siyempre kapag nagpakasal ka, automatic kasunod niyan mag-aanak ka. So, nakipag-usap ako and then sa management ko. Very honest naman ako na ang priority ko ay bumuo ng isang pamilya at pangarap ko talaga magkaanak."

 


Inamin ni Marian Rivera na tinanggihan muna niya ang bagong GMA primetime teleserye na nakatakda sana niyang gawin sa Setyembre.

Ito ay sa dahilang prayoridad niya ang pag-aalaga sa seven-month-old daughter nila ni Dingdong Dantes na si Baby Zia.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang reporters si Marian pagkatapos ng presscon ng Johnson’s Baby Bath and Lotion, na ginanap sa Market! Market! Activity Center, ngayon Martes, Hulyo 5.

Dito inilatag ni Marian ang mga proyektong kaya niyang tutukan sa ngayon.

“Gusto ng GMA, by September may soap ako.

“Yung Yan Ang Morning, sabi nila, 'Puwede bang i-extend?'

“Kasi ang usapan lang namin, one season lang.

“Kasi hindi naman ako naghu-host. So, hindi naman ako pamilyar sa ganitong klaseng pagtatrabaho.

“Well, sabi ko nga, bakit hindi ko i-try?

“Nung trinay ko siya, 'Ay!'

“Ganun pala talaga, kapag gusto mo yung trabaho mo, kahit hindi ka pamilyar, basta minahal mo, mae-enjoy mo siya; which is nangyari sa akin sa Yan Ang Morning.

“Kaya sabi nila sa akin, ‘Baka puwede pa natin i-extend kahit ilang weeks lang?’

“Sabi ko, ‘Sige, pero after nun, siguro magre-rest na muna ako. Kaunti lang.”

Bukod sa kanyang daily talk show ay madalas pa ring napapanood si Marian sa Sunday PinaSaya.

Mayroon din siyang special appearance sa upcoming GMA primetime teleserye na Encantadia.

“Siguro mag-Sunday PinaSaya ako. Nakikita naman ako sa Encantadia. So, okay na muna yun.

“Siguro mag-usap na lang kami ng management din kung anong next project na gagawin.

“Pero sa ngayon kasi, si Zia muna ang priority ko.”

NOT A SACRIFICE. Hindi raw naisip ni Marian na sakripisyo ang pagbabawas niya ng kaunting trabaho.

Paliwanag ng Kapuso actress-TV host, “Una sa lahat, ayoko sabihing sacrifice, kasi ang bigat na salita yung sakripisyo, e.

“Nung nag-asawa ako, plinano talaga namin na mabuntis ako, magkaanak ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, nung nabuntis ako, nag-lie low ako.

“At hindi naman lingid sa kaalaman ng GMA na, siyempre kapag nagpakasal ka, automatic, kasunod niyan, mag-aanak ka.”

Bilang isang ina, masaya ang Kapuso actress-TV host dahil naiintindihan ng kanyang home network at talent management ang mga prayoridad niya sa buhay.

“So, nakipag-usap ako and then sa management ko.

“Very honest naman ako na ang priority ko ay bumuo ng isang pamilya at pangarap ko talaga magkaanak.

“At ngayon na nagkaanak ako, actually hindi lang halata, pero halos five to six months din ata akong nawala, e.

“Pero hindi masyadong halata, e, di ba?

“Nagbago, yes, kasi yung projects na ginagawa ko ngayon, hindi ko na magagawa katulad nung ginagawa ko dati.”

Ngunit kaunting panahon lang ay maaari na raw ulit siyang sumabak sa primetime teleserye.

Pahayag ni Marian, “Lumalaki kasi yung anak ko. Sa stage na ito, hindi ko kayang iwan.

“Parang na-try ko sa Encantadia, aalis ako ng bahay, tulog si Zia; pag-uwi ko, tulog. Ang sakit para sa akin.

“So, sabi ko, palakihin ko muna yung anak ko.

“And then, after niyan, siguro puwede na ulit sumabak.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN