Marian Rivera on husband Dingdong Dantes: "Parang nanliligaw ulit siya."

"Minsan uuwi ako sa bahay, may flowers ako, may gift ako, may card ako... Parati siyang may letter sa akin na, 'You're a super mom. Sana huwag ka magbago. We love you,'" says Marian Rivera when asked about husband Dingdong Dantes's efforts to make her feel special.


Hindi nawawala ang kilig sa pagitan ng mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes kahit na ngayong may anak na sila.

Tutok man sila sa pag-aalaga kay Baby Zia, sinisiguro ng celebrity couple na nananatili ang kilig sa kanilang relasyon tulad ng pagkakaroon ng date nights.

Sabi ni Marian, “Ibibigay ko ‘yan sa asawa ko.

“Kasi ang asawa ko, parating nagri-request na, ‘Are you free? Kailan? Puwede ba tayong umalis? Baka naman puwede kitang i-date tomorrow, sa ganitong oras.’

“Parang nanliligaw ulit siya.

“Parang medyo may kilig kilig pa rin naman ako kahit papaano.

“Parang, ‘Ay, naiisip pa rin ng asawa ko ‘yan.’ May ganun pa naman.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian pagkatapos ng presscon na ginanap sa Market! Market! Activity Center, Martes ng tanghali, Hulyo 5.

Kuwento pa ng Kapuso actress at TV host, madalas din siyang sorpresahin ni Dingdong pagkagaling niya ng trabaho.

“Oo, tapos minsan uuwi ako sa bahay, may flowers ako, may gift ako, may card ako.

“Kasi siyempre, sabi niya, hindi biro ang magpadede ng seven months na pure, na no formula.

“So, sabi niya, ‘Wow, you’re a super mom talaga.’ Gumaganun yung asawa ko.

“Nakakatuwa dahil naa-appreciate niya.

“Parati siyang may letter sa akin na, ‘You’re a super mom. Sana huwag ka magbago. We love you.’

“May mga ganun siya sa akin.”

DEVOTED FAMILY MAN. Hindi maitatangging dedicated husband and father si Dingdong.

Base na rin ito sa dalas niyang magbahagi ng larawan at mensahe para kina Marian at Baby Zia.

Kahapon nga lang ay mayroong Instagram post ang Kapuso actor na nagsasabing na-miss niya agad ang kanyang mag-ina nitong mga nakaraang araw na siya ay nasa London.

Realizations while doing a run in Hyde Park this morning : 1) We badly need more parks 2) I badly miss my girls

A photo posted by Dingdong Dantes (@dongdantes) on

Sa parte ni Marian, tila wala na raw siyang mahihiling pa sa kanyang buhay-pamilya.

“Oo, sobra talaga.

“Kaya nga sabi ko, blessed and thankful ako sa nangyayari sa buhay ko, na nandiyan yung asawa ko para suportahan ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At the same time, biniyayaan ako ng Panginoon ng anak.

“Sabi ko, ‘Wow, sana Lord more to come.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN