Arnell Ignacio offered government post by President Rodrigo Duterte

Arnell Ignacio on becoming a government official: "Mas gusto ko ang public service, kasi yun naman talaga ang alam ko, e. Mas gusto ko 'to kesa sa entertainment."


Inamin ni Arnell Ignacio na may ibibigay sa kanyang posisyon sa gobyerno si President Rodrigo Duterte.

Nakiusap lang ang comedian-TV host na huwag muna naming isulat kung anong posisyon ang ibibigay sa kanya ni Presidente Duterte.

“Hindi ko muna sasabihin kung saan. Pag bumaba na lang ang office order, ha?” sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Pero may kinalaman ba ito sa entertainment industry, kagaya ng MTRCB halimbawa?

“Hindi ‘yan,” mabilis na tanggi ni Arnell.

Dagdag pa niya, “Hindi ko naman kasi alam ‘yan, e.

“Mas gusto ko ang public service, kasi yun naman talaga ang alam ko, e.

“Mas gusto ko ‘to kesa sa entertainment.”

Si Arnell ang isa mga celebrity na masugid na tagasuporta ni President Duterte, simula nung nangangampanya pa lamang ito.

Sinasabi naman noon ng comedian-TV host na wala siyang hinihinging posisyon sa bagong pangulo ng bansa. Gusto lang daw niyang magbigay ng all-out na suporta rito.

Pero kung sakaling bigyan nga siya ni President Duterte ng posisyon, mas gusto niya yung makakatulong sa mga nangangailangan.

OFFICE ORDER. Baka sa susunod na linggo ay puwede nang sabihin ni Arnell kung ano ang posisyong ibibigay sa kanya.

Pero nagsisimula na raw siyang pumasok sa tanggapan ng naturang ahensiya, dahil mayroon siyang inaayos na ilang detalye para sa paglipat sa kanya ng naturang item.

Nagugulat lang daw siya dahil marami siyang mga nadiskubreng di magandang gawain ng dating humahawak nito.

Pero ayaw na lang daw niyang ikuwento pa ito.

“Ay, marami. Nakakahiya lang,” pakli ni Arnell.

Mabigat din daw kasi ang posisyong ito, kaya ngayon pa lang ay marami na ang tumatawag sa kanya at nagsisimula nang humingi ng tulong.

“Ang tindi pala ng posisyon na ‘to. Ang telepono ko nga, lahat nagsisipsip na sa akin!” natatawa niyang sabi.

Kaya magiging maingat daw siya sa bagong responsibilidad na ibibigay sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang ikinatuwa lang niya, marami siyang matutulungan; at yun naman daw ang matagal na niyang gustong gawin.

“Hindi ako mahihirapan sa mga gustong lumapit sa akin para matulungan, lalo na sa pagpapagamot,” sabi ni Arnell.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN