Ian King says Angelina Mead King is not gay: "I like women."

Inilahad na ni Ian King—kilala ngayon sa tawag na Angelina Mead King o Angie—ang kuwento sa likod ng kanyang tunay na katauhan. Inamin din niyang kahit isa na siyang tans woman, gusto pa rin niyang makipagtalik sa babae at wala sa isip niya ang makipagsiping sa isang lalaki.


Bata pa lamang daw ay mahilig na si Ian King sa pagsusuot ng mga sapatos na pambabae, ng mga damit-pantulog ng babae, at makeup.

Ayon pa sa Car Porn Racing founder, 2009 pa lang ay alam na ng kanyang mga malalapit na kaibigan ang totoong katauhan niya.

Ito ang naging rebelasyon ni Angelina Mead King, ang bagong katauhan ni Ian, sa exclusive interview ng kaibigan niyang si Tim Yap, na nailathala sa Philippine Star, ngayong Miyerkules, July 6.

Si Tim ang naging tulay para magkakilala sina Ian at Joey Mead noong 2010, na kalaunan ay nauwi sa pagpapakasal ng dalawa sa Amerika noong 2011.

Sa gitna ng kanilang masayang pagsasama bilang mag-asawa, unti-unti raw ninais ni Ian na ilantad ang kanyang sikreto sa pamilya niya.

Alam na raw ni Joey ang itinatagong lihim ng asawa sa mga unang buwan pa lang ng kanilang pagsasama, pero pinili nilang huwag na itong ibunyag sa publiko sa takot na mahusgahan at mabatikos sa mapanghusgang mata ng lipunan.

June 29, 2016, ang araw na pinakahihintay ni Ian upang ipaalam sa mundo na siya ay isang trans woman.

Ito ay sa pamamagitan ng pag-public ng kanyang Instagram account na @hailtothe_queen_, na 2012 pa lang ay nagpapahiwatig na ng kanyang totoong katauhan.

Read: Joey Mead's husband Ian King is now a trans woman

Bago pa man daw pumanaw ang kanyang amang si Archie King noong July 5, 2015, naipaalam na ni Ian ang kanyang totoong pagkatao rito.

Saad niya, “My father had a hard time accepting it, but even though he had a hard time in the beginning, he was full support in the end.

“My stepmom was a supporter and my real mom was also a supporter.”

Bilang mag-asawa, ipinaglaban nina Ian ay Joey ang kanilang pagmamahalan sa kabila ng naturang rebelasyon.

Saad ng modelo, “Tooth, nail, blood, sweat and tears.

“I fought a lot. Fought myself… a lot, fought my husband, fought conventionality.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JOEY’S STRUGGLES. Ilang buwan pa lamang daw silang nagsasama ng asawa ay sinabi na niya rito ang kanyang lihim.

Pagpapatuloy ni Angie, “A few months into our relationship. I told her I like to wear women’s underwear and it escalated from there.

“Of course, this was not gonna be easy for your wife, and you knew that, right?

“Joey has had her struggles, we had struggles, but we never separated over it.

“We have been working through it. I have a counselor, she has a counselor, we talk to a lot of friends, family.”

Ano ang sabi sa kanila ng kanilang counselor?

Tugon ni Angie, “To live my authentic self, that’s what all counselors tell people, I think you pay someone to tell you that you are normal.

“I’m just thinking that hmmm, I know this already!”

Minsan ba naisip niya na may mali sa kanya?

Sagot ni Angie, “Yes, as a child, I was always thinking about looking at the other side—the girl side.

“I wish I had longer hair, I wish I had… And then I already knew in grade 6 or grade 7, that I wanted to be a pretty boy.

“I was thinking why do I want to be a pretty boy. That’s where it started, and I ignored it.

“Then came sports, cars, got a baby, got a girl pregnant, and fathered a baby—well, I didn’t father a baby—I 'sperm donated' a baby at 16.”

Tanggap na raw siya ng kanyang anak na si Inigo, kung saan 'mommy' na ang tawag nito sa kanya.

“ARE YOU GAY OR NOT?” Natakot ba siyang baka talikuran siya ng mga kaibigan at kapamilya dahil sa kanyang paglantad?

Pag-amin ni Angie, “Yes, cars are alpha male—highly alpha male environment and lots of testosterone. Last thing we’d wanna see is that…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We are very scared about the Philippines because there are no transgender rights here.

“I’ll be coined ‘bakla’ just like every other rainbow spectrum part of the LGBT community.

“Because of that, yeah, there is that disconnect where it can be hard to actually explain it to my staff.

“'Ah, bakla si Sir!,' That’s all they’d conclude.”

Tinanong siya ni Tim: Bakla ba siya?

Paglilinaw ni Angie, “Sexual preference—no, I’m not gay.

“I like women. Soft, curvy, yeah, no body hair.”

Paano niya ipaliliwanag sa mga tao na kahit pusong babae na siya ay gusto pa rin niya ng babae?

Sabi nito, “I perfectly understand. Sexual expression and sexual preference are two different things.

“There is no clear description in the Filipino native language, there is no Tagalog version of LGBT… and however how many letters there are—that’s where the blurred lines come from.”

WIFE’S CONSENT. Kailan niya napapayag ang asawa na ilabas na sa publiko ang kanyang totoong pagkatao?

Ayon kay Angie, “We had really serious arguments about everything, the biggest fear was being badgered by society, we were scared that the trolls of society would attack.

“They probably still will, but there’s so much love and support and that’s the cool part.

“I was thinking people might say I’m doing it for marketing. Dude, you don’t just wake up one day and say, ‘I want be a woman.’

“It’s something you thought of for a long time.”

Ang ibang mga transgender women ay nagti-take ng hormonal pills, siya ba ay may mga iniinom na katulad nito?

Sabi ni Angie, “I’m taking medication through an endocrinologist, he’s a licensed doctor and he monitors my blood levels every two months and adjusts the hormones.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“First, it takes testosterone blockers and then you supplement it with estrogen.”

Ano ang gusto niyang ma-achieve matapos mag-take ng mga gamot na ito?

“It’s a second puberty where your body is reborn into a different gender because you are alternating it with hormones, so in two to three years, it would be finished and will transfer my body with a distribution of body fat and breasts, that is already starting.

“I measured when I started. My chest has grown a little—from 36 to 37—and my waist has gotten smaller.”

SEX CHANGE. Karamihan sa mga trans women ay nagnanais na maging totoong babae sa pamamagitan ng pagpapa-sex change. May balak din ba siyang magpa-sex change?

Sagot ni Angie, “That’s a weird part, I’m happy with my privates and that should remain private. It’s no one’s business.

“Why does it matter? I have a partner, we are faithful and loyal.

“We have been living with each other for more than 10 years.

“You introduced us and you married us, too. It’s gone full circle."

JOEY: A WOMAN TO LOOK UP TO. Sa ngayon, masasabi ba ni Angie na ang kanyang asawa ay isang babae na dapat hangaan at tularan?

Sagot niya, “Yes, Joey helped me to progress way faster than I would.

“As much as she enjoyed in the beginning and hated it later on, she realized, wait, what’s happening?

“Just like in The Danish Girl, I broke her because she lost face where her knight in shining armour wanted to be a princess…

“That was the hard part for us, but we picked up the pieces, we figured out what our relationship was—we love each other and this is not gonna break us.

“Rock and roll, let’s try, are you gonna give up before you try, this is what we are trying.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Joey is super pumped also because there is so much support for her, too; she’s more awesome than awesome.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN