Comedienne Divine Aucina speaks up about being linked to Kapuso hunks Jeric Gonzales and Jak Roberto

Divine Aucine is being linked with two Kapuso hunks and trading gags with two of the most popular comediennes in local showbiz. "Parang hindi totoo, di ba, dream come true ito para sa akin," she bursts out.


Nali-link ngayon ang comedienne na si Divine Aucina sa Kapuso hunks na sina Jeric Gonzales at Jak Roberto.

Ngunit paglilinaw ni Divine, na napapanood sa comedy anthology program ng GMA Network na Dear Uge, close lang siya kina Jeric at Jak kaya nagagawa niyang makipagharutan sa mga ito.

Noong nakaraang Sabado, July 2, ay nagkaroon ng solo show si Divine na Divine Intervention sa La Madera Gastronomic Pub, kunsaan surprise guest niya si Jeric.

Ilang beses pa siyang hinalikan ng Protege winner sa stage.



Paliwanag ni Divine, “We invited Jeric as a guest talaga bilang nagkatrabaho kami once sa Sarap Diva.

“Nagulat ako nang totoo noong umakyat siya sa stage na mag-isa tapos may flowers.

“Ang lakas maka-debut! Tapos may kiss pa.

“Ang ganda ko lang din talaga!”

Wala raw ibig sabihin yung kiss na iyon ni Jeric sa kanya.

“Kung mapapanood mo yung video, hiniling naman ng audience na halikan ako ni Jeric.

“’Tsaka sinimulan naman niya, e, mag-inarte pa ba ako? Jeric Gonzales na ‘yan.

“Maraming naglalaway sa kanya, aarte ako na ayaw ko ng kiss? Bakit, di ba?” natatawang sabi niya.

Wala raw namamagitan sa kanila ni Jeric kundi friendship lang at hindi rin daw ito nanliligaw sa kanya.

“Ta-tumbling-cartwheel-split talaga ako pag nanligaw si Jeric akin.

“Hindi ko yun itatago, ipapamalita ko agad sa social media!

“Keber kung ma-bash ako at magkaroon ng maraming haters! Sorry na lang kayo!” biro ni Divine.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Divine via Facetime kahapon, July 5.

BEA FACTOR. Si Jak naman daw ay naging close ni Divine noong mag-guest ang Kapuso actor sa Dear Uge.

Mabilis daw silang nagkasundo nito dahil game ito sa mga harutan sa show.



“Tropa ko yun, ka-Snapchat buddies po kasi, kami nila Ate Uge [Eugene Domingo].

“Mabilis kaming nagkabuo ng bonding sa show, mabait at tahimik kasi si Jak kaya inaaliw ko siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayun, nabighani rin siya ng ganda ko!”

Si Jak daw ang nababalitang boyfriend ngayon ni Bea Binene.

Paano kung magselos si Bea sa pagiging close nila ng binata at i-confront siya?

Sabi ni Divine, “Ay, wala naman pong namamagitan sa amin ni Jak.

“Sobra naman yata ang alindog ko kung pagselosan ako ni Bea.

“Hindi ko po kakayanin pag may nag-confront sa akin, tumbling, bending, high jump talaga ako!

“Unang-una, yung the fact na may nag-confront sa aking girlfriend ng sinumang lalaki, iba na yun!

“Tapos isang Bea Binene pa na ang ganda-ganda, baka imbes na matakot ako, ma-starstruck ako.

“Magpa-fan sign o kaya magpa-Snapchat na lang ako kay Bea!”

DREAM COME TRUE. Bukod sa Dear Uge ay katatapos lang ni Divine ng pelikulang Super Yaya, kunsaan kasama niya ang Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas. Mula ito sa direksiyon ni Jose Javier Reyes.

Nagpapasalamat si Divine dahil kakasimula pa lang niya bilang isang komedyante sa TV, pero nakatrabaho na niya ang mga idolo niya sa comedy na sina Ai-Ai at Uge.

“Si Ate A-Ai, ang sarap katrabaho. Napakagaan at marami akong natututunan sa kanya.

“Alam mo yung kunwari sa isang eksena magkakadikitan yung braso namin or kahit tela ng costume.

“Nakaka-wow, 'totoo ba ito' yung pakiramdam.

“Isa na ako sa makakapagmalaki na nakatrabaho ko ang isang Ai-Ai delas Alas.

“Si Ate Uge naman, isa sa napaka-generous na tao na nakilala ko sa trabahong ito.

“Umpisa pa lang ng Dear Uge, ramdam mo yung suporta niya, hindi siya madamot na tao.

“Kapag alam niyang may kulang sa performance mo, magbibigay siya ng suggestion or tip para mas maganda lumabas.

“Pareho sina Ate Ai-Ai at Ate Uge na noon ay pinapanood mo lang sa TV at pelikula.

“Pinapangarap kong makita sila in person, pero ngayon katrabaho ko na at kakuwentuhan pa.

“Parang hindi totoo, di ba, dream come true ito para sa akin,” saad ni Divine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN