Bianca Manalo feels so loved by boyfriend Fabio Ide: "Masyado akong maganda sa paningin niya."

Bianca Manalo says Fabio Ide is so different from her past boyfriends: "Talagang iba. Kahit i-push away ko siya, nandun siya. Nararamdaman ko, kahit anong gawin ko. Kagabi lang, sinabi niya sa akin na, 'I will never give you up kahit ano ang gawin natin with our lives.' Kahit nagkakaroon kami ng mga little understandings na normal lang naman."


Proud na proud daw si Bianca Manalo sa kanyang boyfriend na si Fabio Ide dahil sa sobrang sipag nito sa trabaho, bukod pa sa sobra ang effort nitong iparamdam sa kanya kung gaano siya nito kamahal.

Halos isang taon pa lang ang kanilang relasyon, pero sinasabi na ni Fabio na ang pakiramdam niya ay si Bianca na ang ‘the one’ para sa kanya.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang reporters si Bianca sa last shooting day ng Kapamilya teleseryeng My Super D, na ginanap sa Malabon City, kahapon, July 6, naitanong sa kanya ang reaksiyon niya sa pahayag na ito ni Fabio.

Pahayag ng dating beauty queen, “Ako rin, natutuwa sa kanya.

“Magpu-post ba ako [sa social media] of what we have right now kung di ako sigurado?”

Napag-uusapan na ba nila ang tungkol sa kasal?

Pag-amin ni Bianca, “Napag-uusapan, pero wala pa, wala pa.

“Oh, my God! Hindi ko pa alam.

“Ano, masyado akong maganda sa paningin niya, ganun.

“Hindi... basta, sobra niya akong mahal.

“Kahit anong gawin ko, mahal na mahal niya ako’t alam ko yun.”

Iba-bang raw talaga si Fabio sa mga naging boyfriend niya.

“Talagang iba. Kahit i-push away ko siya, nandun siya.

“Nararamdaman ko, kahit anong gawin ko.

“Kagabi lang, sinabi niya sa akin na, ‘I will never give you up kahit ano ang gawin natin with our lives.’

“Kahit nagkakaroon kami ng mga little understandings na normal lang naman.”

Mabuti nga raw at hindi sila nagkakasawaan, lalo na't sa kanilang dalawa na lang daw umiikot ang kanilang mundo.

Sabi ni Bianca, “Hindi rin, kasi nagti-taping ako.

“Siya rin, nagwu-work din.

“Every time na nagkikita kaming dalawa, talagang sini-savor namin yung...

“One year pa lang kami pero...”

ACCEPTING FABIO’S CHILD. Hindi naman kaila kay Bianca na may anak si Fabio kay Denise Oca, na anak naman ng aktres na si Melissa Mendez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mabuti't tanggap niya ito at hindi nagiging problema sa pagitan nila ni Fabio?

Saad ni Bianca, “Kasi, when I stepped into the relationship, I knew in my heart na may anak siya.

“Package yun, e. So, hindi ako puwede na, 'Ayoko 'yan.' Hindi, e.

“Kung mamahalin mo siya, buo, kung anong meron siya.”

Kumusta naman ang kanyang karanasan bilang isang ‘stepmom’?

“Sa ngayon kasi, nagti-taping pa ako.

“So, pag kasama namin, kasama namin.

“Nakikipaglaro ako sa bata, dahil mahilig ako sa bata.

“In particular, mahilig ako sa bata.”

Malaking bagay nga rin daw na isang ina ang role niya sa My Super D, na nasa huling taping day na nang dalawin namin sa set.

Sabi ni Bianca, “Ang maganda rito, mahahasa ako sa pagiging isang ina.

“Lalong na-instill sa amin yung pagiging motherly.

“Lalo kong naiintindihan kung paano ba maging nanay, kung ano ba ang mga isinasakriprisyo nila para sa kanilang mga anak.”

Ang isa pa raw maganda kay Fabio ay gumagawa ito ng effort na maging malapit sa pamilya ni Bianca.

Ayon sa 28-year-old actress, “Kapag wala siyang ginagawa, every Sunday, kasama namin siyang mag-dinner.

“My sisters would often invite him na, 'Tara, mag-dinner tayo, kailangang mag-movie tayo.'

“So, may effort talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN