Robin Padilla on gender of first baby with Mariel Rodriguez: "Gusto niya sorpresa sa akin."

Robin Padilla on gender preference of his first baby with wife Mariel Rodriguez: "Kahit ano—babae, lalaki, bakla, tomboy—wala na sa aking issue 'yan. Ang mahalaga ay normal. Ibig sabihin wala siyang kapansanan."


Mismong si Robin Padilla ay hindi pa alam kung ano ang kasarian ng first baby nila ng misis na si Mariel Rodriguez.

Gusto raw kasi ni Mariel na maging sorpresa ito hanggang sa maipanganak niya ang sanggol.

“Naku! Ako po’y napagbawalan na malaman ko.

“Ang gusto niya sorpresa sa akin. Pero siya, alam na niya,” nakangiting pahayag ni Robin.

Kuwento pa ng aktor tungkol sa paglilihim ni Mariel ng gender ng kanilang first baby, “Hindi ko kinukulit.

“E, sa mag-asawa kasi, ang makulit, babae lang.

“Kapag ang lalaki naging makulit, parang hindi maganda.”

Nagbibirong hirit ng actor-TV host, “Makulit lang kami sa kuwarto lang.”

Wala raw kaso kay Robin kung lalaki o babae ang kanilang magiging unang anak.

“Kahit ano—babae, lalaki, bakla, tomboy—wala na sa aking issue ‘yan.

“Ang mahalaga ay normal. Ibig sabihin, wala siyang kapansanan.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang reporters si Robin pagkatapos ng presscon proper ng Moneygram, na ginanap sa Spices, The Peninsula Manila, ngayong Huwebes, Hulyo 7.

NO PROBLEM WITH MARIEL'S WORKLOAD. Dito ay ibinahagi ni Robin na todo ang kanyang suporta sa patuloy na pagtatrabaho ni Mariel, na nasa ikalimang buwan na ng pagbubuntis ngayon.

Bago pa man nabuntis ang kanyang misis ay natuklusan na niyang malaking kasiyahan ang naidudulot ng trabaho para rito.

Kuwento ni Robin, “Si Mariel kasi, tandaan natin galing siya sa matinding depression.

“Dalawang beses na miscarriages—isang single, isang triplets—mabigat yun.

“Kaya nung dumating yung It’s Showtime… Una PBB, dumating yun, guest siya. Kitang-kita yung aura niya, iba.

“Dun ko napatunayan na ang makapagbibigay pala ulit ng ngiti sa asawa ko, yung mga kapamilya niya.

“Mga kasabay niya lumaki yung mga yun, e.

“Kaya nung oras na yun, sinabi ko na sa kanya na, ‘Hindi kaya dapat subukan mo na bumalik?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya nagpapasalamat din ako sa pamunuan ng network na yun [ABS-CBN] na winelcome siya.”

Bukod sa paghu-host ng paghu-host ng It’s Showtime ay nagbabalik si Mariel bilang host ng Pinoy Big Brother Lucky 7.

LOVING HUSBAND. Bilang mister, sinisiguro raw ni Robin na punung-puno ng pagmamahal si Mariel sa gitna ng pagbubuntis at pagtatrabaho nito.

“Kaya ako ang pinaka suporta ko sa kanya diyan, yung paggising niya, gising din ako.

“Habang nagpre-prepare siya, kuwentuhan kami. Yung mga ganung bagay.

“Sabihin ko sa kanya, napakaganda niya, ang ganda-ganda niya. ‘Ang ganda-ganda mong buntis.’

Ibinalita rin ni Robin na maayos ang kalagayan ni Mariel at walang iniindang sakit, maliban sa pagbigat ng nasasapunan nito.

“Ngayon, medyo nagsasabi na siya na mabigat na.

“Alam mo naman sa trabaho niya, maaga siya kailangang gumising.

“Yun palagi ang sinasabi niya, mabigat na, mahirap nang gumalaw.

“Lalo pa sa kanya ang daming ritwal. Nag-iineksiyon, apat na ineksiyon yun araw-araw. Kaya hirap siya.

“Pero yung kaligayahan niya ay napakatindi.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN