Dominic Ochoa supports fundraising efforts for co-actor Dick Israel

Dominic Ochoa last worked with veteran actor Dick Israel in an episode of the drama anthology Maalaala Mo Kaya.


Suportado raw ni Dominic Ochoa ang anumang fund-raising activities at ang binubuong foundation para matulungan ang kasamahan sa industriya na si Dick Israel matapos itong masunugan kamakailan.

Nagkatrabaho raw dati sina Dominic at Dick sa ABS-CBN sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya.

Ayon sa Kapamilya actor, “Ang huli ko sa kanya yung MMK… yes, nakasama ko si Tats.

“We call him Tats actually.

“Yeah, I’ve heard about the news. I saw it in Facebook noong Monday.

“In fact, I copy paste yung picture niya because we want to reach out also, nandoon yung address niya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dominic sa last taping day ng pinagbibidahan niyang Kapamilya teleseryeng My Super D, noong July 6, sa Malabon.

Handa raw siyang tumugon sa panawagan na tumulong kay Dick.

Saad ni Dominic, “Narinig ko nga sa news kagabi na si Nadia [Montenegro] is trying to make a foundation.

“So, ako ay nananawagan din.

“Siyempre kapwa kapamilya natin iyan, e, at kapwa katrabaho sa industriya.

“Sana magtulung-tulong din tayo para maka-come up tayo ng something, maybe through in kind or mga damit na pwedeng ma-share.

“Kung anuman ang maibibigay natin at maitutulong, malaking bagay na kay Tats iyon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN