Kathryn Bernardo and Daniel Padilla are 'exclusive' for each other

Daniel Padilla describes relationship with Kathryn Bernardo: "Basta exclusive kami sa isa't isa. Hindi po pwedeng iba."


Bagamat matagal-tagal nang napapabalitang may relasyon na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa tunay na buhay, hindi pa rin nila binibigyan ng label ang anumang namamagitan sa kanila.

Sa eksklusibong panayam ng TV Patrol reporter na si Marie Lozano, sinabi ni Daniel, “Basta exclusive kami sa isa't isa.

“Hindi po puwedeng iba. Kaming dalawa lang, parang ganun.”

Nang tanungin tungkol sa pagbibigay ng label sa kanilang relasyon, sagot ng Kapamilya actor, “Wala pa muna. Basta exclusive kami.”

Hola Barcelona! ????????

A photo posted by Kathryn Bernardo (@bernardokath) on

Halos ganito rin ang naging pahayag ng matagal nang ka-love team ni Daniel na si Kathryn.

Sabi ng Kapamilya actress, “Kami ni DJ kasi, hindi na nga namin siya napag-uusapan, kasi parang nagkakaintindihan kami.

“So depende, depende siya sa situation.”

what a coincidence. ??

A photo posted by Kathryn Bernardo (@bernardokath) on

Kung sakali raw maging opisyal na ang kanilang relasyon, biro ni Daniel, “Magpapa-presscon ako!”

Pero bawi niya, “Hindi naman ganun. Magiging special siya.

“Hindi naman presscon, pero magiging special siya.”

6.21.16 ????

A photo posted by Daniel Padilla (@imdanielpadilla) on

Matatandaang noong December 2014, ibinalita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na opisyal na ang relasyon nina Daniel at Kathryn, o mas kilala bilang KathNiel sa fans ng kanilang love team.

Nagsimula ang kanilang pagtatambal sa teleseryeng Princess and I noong 2012.

Nasundan pa ito ng Got To Believe (2013) at Pangako Sa 'Yo (2014).

Nagtambal din sila sa mga pelikulang Must Be Love (2013), Pagpag: Siyam na Buhay (2013), She's Dating the Gangster (2014), at Crazy Beautiful You (2015).

Sa ngayon, abala sina Daniel at Kathryn sa bagong pelikula nila mula sa direksiyon ni Olivia Lamasan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN