Myrtle Sarrosa to graduate cum laude from UP

Education, music, and acting in that order are the priorities of Myrtle Sarrosa. "Dapat meron kang fallback aside from being an artist. Kailangan talaga, meron kang other investment sa sarili mo," she explains.

 


Education ang priority ni Myrtle Sarrosa kaya hindi siya gaanong visible sa showbiz pagkatapos siyang tanghaling Pinoy Big Brother grand winner apat na taon na ang nakararaan.

Huling semester na nga ni Myrtle ngayon sa kursong Mass Communication sa Unibersidad ng Pilipinas.

“Running for cum laude po ako ngayon sa U.P. Diliman and I’m down to my last semester.

“Yung grades ko po ngayon, for cum laude,” masayang balita naman niya.

Lumalabas naman siya panaka-naka sa mga shows sa ABS-CBN at ngayon nga ay kasama siya sa panghapon na teleseryeng Super D.

Sabi pa ni Myrtle, “Never naman po akong nawalan ng project.

“Palagi naman akong binibigyan ng ABS, so nagpapasalamat na 'ko sa kanila sa ganun.

“Pero tuwing tatanggap ako ng trabaho, sinisigurado ko po na hindi siya sasagasa sa school.

“Kaya kapag may classes po ako, Tuesday and Thursday, seven a.m. to seven p.m. po ako, wala pong lunch break.

“Monday, Wednesday, Friday naman, Saturday and Sunday, trabaho na ulit.

“It’s a matter of prioritizing, planning and scheduling kung paano ko i-spend ang mga oras ko.

“Kasi sayang din po, sabi rin naman po sa akin ng Star Magic, dapat meron kang fallback aside from being an artist.

“Kailangan talaga, meron kang other investment sa sarili mo.”


HONOR STUDENT. Kaka-launch nga lang ng kanyang debut album na Now Playing Mrytle Sarrosa under Ivory Music and Video nitong Huwebes, July 7, sa Packo’s Grill and Restaurant sa Quezon City.

Dito inamin ni Myrtle na ginusto niya rin na pagsabayin ang showbiz at pag-aaral niya.

Aniya, “Personal choice ko po… with the guidance rin po ng iba-ibang RMs [road manager] and Kuya Jerry Telan din po na nag-encourage sa akin.

“Noong una, after ng PBB, hindi muna 'ko nag-aral ng one year.

“Hindi ko pa kasi alam kung saan papunta ang career ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And sabi nila sa akin, ‘When there are days na wala kang trabaho, siguraduhin mo na mag-aral ka.

“Sayang naman ang oras mo, sayang din naman ang talino mo kung hindi mo gagamitin to improve yourself further.”

Masaya naman daw si Myrtle kahit sinasabi ng karamihan na tila mabagal ang pag-usad ng kanyang career pagkatapos niyang mahirang na PBB grand winner.

“Sobra po,” nakangiting sabi niya, “Grateful ako nang manalo ako sa PBB, grateful ako sa kung saan ako nakatayo ngayon.”

Isa nga raw sa pinakamalaking accomplishment niya ay maka-graduate ng kolehiyo sa U.P. na may honor pa.

Lahad niya, “Yung iba, kinu-compare ako sa other big winners like Ate Kim Chiu, Ate Melai Cantiveros, James Reid, Ejay Falcon.

“Then ako na ang susunod na big winner, parang kinu-compare ang path.

“Pero sinasabi ko naman sa kanila, different ang path namin sa isa’t isa.

‘Never compare what you have with what others have.

“Maging grateful ka lang, and every time naman na iniisip ko yun, may dumarating at dumarating na project.

“Kaya nagpapasalamat na rin ako sa ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN