Myrtle Sarrosa relives heartbreak from ex-BF Bryan Llamanzares: "There will always be love."

Myrtle Sarrosa writes songs about her life and career. Her song 'Ngayon', is about her bashers: "Bakit ka ba ganyan? Bakit ka nagra-rap, hindi ka naman rapper, hindi ka naman hip-hop?"


Wala pa raw naging karelasyon si Myrtle Sarrosa pagkatapos nilang mag-break noong isang taon ni Bryan Llamanzares, anak ni Senator Grace Poe-Llamanzares.

Natatawang lahad ni Myrtle. “Ngayon, after a year na wala na kami, parang nari-realize ko na nagpasalamat ako sa kanya.

“Ang dami kong natutunan sa kanya when it comes to life, when it comes to love.

“Pero na-realize ko rin na kahit na hindi na kayo nag-uusap, there will always be love.

“Noong una talaga, galit na galit lang ako sa kanya na hindi ko maintindihan.

“Ngayon, kapag iniisip ko, nagpapasalamat ako with all the memories, with all the experiences, all the love na binigay niya sa akin.

“Sa ngayon, it’s really all gratefulness na masasabi ko tungkol sa kanya.”

Hindi raw masasabi pa ni Myrtle na magkaibigan na sila ni Bryan dahil wala pa silang komunikasyon at malinaw na closure.

Aniya, “Ngayon, hindi pa rin kami nag-uusap.

“He attempts to talk pero hindi pa talaga kami nagkaroon ng time na parang usap tayo and have the perfect closure.

“Wala talagang perfect closure, wala akong masasabi na closure talaga.

“Ngayon, I’ve finally moved-on and I’m pretty grateful na he was a chapter of my life and kinonek ko na sa next page.

Nagpapasalamat naman ako sa kanya… nagpapasalamat talaga ako sa kanya with all the lesson.”

Wala rin daw siyang ine-entertain na mga manliligaw.

“Dapat kasi, when you really like someone, dapat i-ano mo talaga, you really have to tell them.

“If you’re really true with your emotion, you have to tell other people rin.”

Natawa ito nang sabihan na kapag nagka-boyfriend siya ulit, dapat ay aminin din niya.

“Sige po, kapag nagkaroon po ako ng boyfriend, sasabihin ko po sa inyo. Sa ngayon po, wala po talaga.”

Nakausap si Myrtle ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa launch ng kanyang debut album under Ivory Music and Video nitong Huwebes, July 7, sa Packo’s Grill and Restaurant sa Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


DEBUT ALBUM. Bukod sa acting, singer-songwriter din si Myrtle na mala-Taylor Swift ang dating, at rapper din siya.

Ngayong malapit na siyang mag-graduate sa kursong Mass Communications sa University of the Philippines, naka-focus daw siya sa pagpu-promote ng debut album niya na Now Playing Mrytle Sarrosa.

Sa label ito ng Ivory Music at suportado rin ng Sisters Sanitary Napkin.

Ayon sa kaniya, “Focus ko po ngayon is really the album.

“Dream come true po talaga ito sa akin at sa lahat ng projects ko, ito po talaga yung for me, nagpapasalamat po ako.

“Pinagbigyan po talaga 'ko ni God, Ivory, at ABS with this.

“Noong nag-Your Face Sounds Familiar ako, si Sir Gary Valenciano, sinasabi niya sa akin na, 'I-push mo ‘yang pagsusulat mo, pagra-rap mo, kasi may talent ka riyan.'

“So naghintay lang ako ng proper timing talaga para magkaroon ng album at siguro, ngayon na po yun.”

Ang mga musical influences daw niya sa local ay sina Abra at Gloc-9.

“Sina Abra at Gloc-9 talaga ang idols ko pagdating sa music kaya sila talaga ang naging inspiration ko for this album.”

Siya nga raw ang nagsulat ng lahat ng kanta niya sa album niya.

Ano sa mga kanta sa album niya ang masasabing ito ang nararamdaman niya sa ngayon?

“Actually yung song ko na ‘Ngayon,’ sinulat ko talaga siya tungkol sa buong career ko.

“Tungkol sa… hindi naman haters, pero sa mga people na nag-criticize sa akin.

‘Bakit ka ba ganyan? Bakit ka nagra-rap, hindi ka naman rapper, hindi ka naman hip-hop?’

“So in-explain ko sa kanila in that song… kung bakit ko gustong magsulat ng kanta.

“And sa song ko na rin yun ko in-explain na parang ngayon ang panahon talaga for me to show kung ano ang meron ako.

“Then yung second song that would describe yung current state ko is ‘Nasaan Ka Na?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung song na yun is tungkol talaga siya sa mga soul-mate.

“Kapag pinapanood ko nga ang Born For You, parang nakaka-relate ako run.

“It’s a song na hinahanap ko kung nasaan ka na kaya, yung person na nakalaan sa ‘yo.

“Nasaan na kaya siya sa buong mundo, parang does he exist or isa lang siyang kathang-isip?

“Or nandiyan talaga siya pero hindi mo pa lang siya nahanap.

“So that song is my current state of mind, hanggang ngayon, hinahanap ko pa rin.

“Nasaan na kaya the perfect person para sa akin.”

May walong original compositions ni Myrtle sa album niya na ang carrier single ay ang “Mr. Pakipot.”

Bukod dito ang mga kantang “Label” na ka-duet niya si Abra, “Still Love Me,” “Sabi Nila," “Heartbroken,” “Nasaan Ka Na?,” “Tadhana,” at “Ngayon” at may dalawang bonus tracks na acoustic version ng “Mr. Pakipot” at “I Luv My Sisters.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN