Mark Herras wants to be a better man for Winwyn Marquez

"Parang dati, parang ninety-eight percent may masasabi ang mga tao. Gusto kong baliktarin, na parang two percent na lang ang masasabi nilang negative about me, more on positive side," says Mark Herras about changing his image.


Aminado si Mark Herras na isa sa mga dahilan ng pagbabago niya ay ang kanyang girlfriend na si Winwyn Marquez.

“Before I have this image na talagang hindi naging maganda ang mark sa akin.

“Gusto ko lang din itama and ipakita kay Win na deserving ako sa pagmamahal na ibinibigay niya,” sabi ni Mark nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong araw, July 8.

Nakaharap namin siya sa ginanap na blog conference para sa mga bagong comedy actors ng GMA Artist Center.

Ayon sa kauna-unahang Ultimate Male Survivor ng StarStruck, iba na siya ngayon.

Kung dati ay may image na “bad boy” o “palikero” si Mark, nagbago na raw siya para mapatunayan kung gaano siya kaseryoso sa kanyang pagmamahal sa dalagang anak nina Alma Moreno at Joey Marquez.

“Actually, I'm very open na I want Win to be my last.

“I'm actually turning 30 this year, so after a year or two years, I wanna have a family.

“Gusto ko rin ng pamilya, talagang inaayos ko lang din ang lahat na walang masabing negative kay Win.

“Ganun ko siya prinoprotektahan, I mean, alam ko rin kasi kung ano yung puwedeng masabi ng mga tao.

“Like, 'Bakit si Mark?' Kaya ganun lang din ako ka-open about my feelings for her,” paliwanag ni Mark.

Finally with my panggaa ??

A photo posted by HerrasMarkAngelo (@angelo_herras) on

Nais din ni Mark na kahit papaano ay maipakita niyang karapat-dapat din siya sa pagmamahal na nakukuha niya mula kay Winwyn.

Paliwanag niya, “Kasi si Win, she's a very different person, she's very special.

“Talagang everything na ginagawa niya sa buhay niya ngayon ay nagiging maganda ang resulta.

“Nakatapos siya sa school, nagma-Master's pa siya, tapos nakapagpatayo pa siya ng tatlong food stores.

“And ang dami pa niyang plans sa buhay so, for me, nakaka-pressure.

“Hindi ko naman sinasabing kailangang pantayan ko ang ginagawa ni Win.

“The fact na she's a very special person, gusto ko na hindi pangit ang sasabihin ng mga tao sa kanya about me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kailangan ko rin linisin ang sarili ko for her, I'm doing this.

“I'm sharing to everyone kung gaano ko kamahal yung tao kasi I wanna be the one na hindi niya pagsisisihan.”

ABOUT TIME. Bukod kay Winwyn, ang pagbabago raw ni Mark ay resulta rin ng pagiging mature na niya.

Ayon sa 29-year-old Kapuso actor, napapanahon na rin daw para gawing maayos ang kanyang buhay.

“It's about time na talaga to be that person na puwedeng ipagmalaki someday.

“Yung tao na hindi niya pagsisisihan, ayaw ko naman din na may masasabi rin siya about me.

“Like, 'Tama kayo, ganun siya.' Yun talaga ang iniiwasan ko.

“It's about time, naka-caps lock yung 'ABOUT TIME.'

“Kailangan ko na talagang umayos sa buhay kasi I'm not getting any younger.”

Gayunman, hindi raw niya malilimutan ang mga pinagdaanan niya noong siya ay bata pa at nag-uumpisa pa lamang sa industriya.

“Actually, lahat naman ng mga nangyari sa akin before ay mga aral na.

“Kung hindi ako natuto, parang balewala ang mga nangyari sa buhay ko.

“If I can turn back time, siguro mas may magagawa ako at mas mag-iisip ako to make a good decision.

“Para sa mga decision ko na nagawa kong mali.

“Sana mas naging maayos ang mga decisions ko sa buhay—in my life, in my career, sa lahat.”

MAKING NEW MEMORIES. Sa ngayon, isang magandang simula raw ang pagbubuo ng mas magagandang alaala kaysa alalahanin ang mga negatibong nangyari sa kanyang nakaraan.

Sabi ni Mark, “Siyempre, hindi naman natin puwedeng ibalik ang oras o ibalik ang panahon.

“Kalimutan ko na lang ang mga hindi dapat maalala, gumagawa ako ngayon ng mga bagong memories sa utak ko.

“Talagang ito yung mga memories na talagang magpapatibay sa akin as a person.

"Kailangan, in the future, wala nang masasabi yung mga tao.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At kung sakali man, “Minimal na lang na masasabi yung mga tao.

“Parang dati, parang niney-eight percent may masasabi ang mga tao.

“Gusto kong baliktarin, na parang two percent na lang ang masasabi nilang negative about me, more on positive side.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN