Theater actor Nar Cabico is ready to go full-time in showbiz

"Honestly, I still feel like an outsider. Whenever I introduce myself, I still say I'm a theater actor or I'm a singer. Pero parang ngayon, okey, sige, let's do TV. I'm ready to do it," says Nar Cabico about his plan to go full time in showbiz.


Itinuturing ni Nar Cabico na swerte ang kanyang sarili dahil sa mga pagkakataong ibinibigay sa kanya ng GMA Network.

Katatapos lamang ng kanyang one-year contract sa Kapuso network pero nagulat daw siya nang alukin siya ng five-year contract ng management.

“I'm very lucky to be given an option for a five-year contract.

“Right now, parang tinitimpla namin ng handler ko how things are gonna go for the next year,” sabi ng newbie showbiz personality nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang bloggers sa blog conference na inihanda ng GMA Artist Center kahapon, July 8.

Dagdag pa ni Nar, “Parang may mga hiningi lang kami ng handler ko na parang siguro game plan.

“Parang nagulat lang ako na, 'Oh, five years po?'

“Kasi, wala naman akong ganap at the moment. Mayroon akong upcoming work pero di ko feel na deserve ko 'yon because my last was Beautiful Strangers.

Sabi ko po, 'Sige po. But I do wanna know what your plans are for me.'

Because aside from an actor, now comedian, it's so alienating for me. Parang ako, okey comedian, pwede naman.”

GOING ALL-OUT IN SHOWBIZ. Nakilala si Nar sa telebisyon sa pamamagitan ng teleseryeng Beautiful Strangers, na pinagbidahan nina Heart Evangelista at Lovi Poe. Ginampanan niya ang role ng taong grasang si Shakira, na matalik na kaibigan ni Joyce (Lovi).

Bago pa man pasukin ang showbiz, kilala na si Nar sa mundo ng teatro.

Ang pinakahuling stage play na naging bahagi siya ay ang musical na 3 Stars and a Sun, kung saan tampok ang mga kilalang kanta ng yumaong King of Pinoy Rap na si Francis M.

Magiging bahagi sana siya ng isang Shakespearean project ng PETA, kung saan bahagi rin ang British Council at Royal Academy of Dramatic Art (RADA) sa London.

Subalit, dahil sa kagustuhan niyang ipagpatuloy ang kanyang showbiz career, handa raw si Nar na ipagpaliban muna ang paggawa ng mga proyekto sa teatro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang it's all too new for me,” sabi ni Nar.

“Pero parang nag-decide na lang ako na parang if I really want to be here, I have to free up my schedule to allow TV work talaga”

Alinsunod na rin daw ito sa advice na nakuha niya tungkol sa kagustuhan niyang maging bahagi ng local show business.

“Parang na-advise-an ako na if I really want to be in the showbiz, I have to choose TV work, which I'm ready na, e. Parang ready na ako to do it.

“You know, theater is always there. Theater has always been my home.

“Pero parang ang gusto ko ngayon, parang expand my homebase, parang to feel at home sa showbiz,” paglalahad ni Nar.

Diin pa niya sa huli, “Honestly, I still feel like an outsider.

“Whenever I introduce myself, I still say I'm a theater actor or I'm a singer.

“Pero parang ngayon, okey, sige, let's do TV. I'm ready to do it.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN