JC Tiuseco not yet ready to settle down with lawyer GF of ten years

JC Tiuseco explains why he prefers to keep his relationship with his non-showbiz girlfriend under the radar: "Hindi naman itinatago, pero kasi non-showbiz kasi siya, e. I mean, hindi lang pinag-uusapan sa labas, kasi yun nga dahil hindi naman po siya showbiz."


Napag-uusapan na raw ni JC Tiuseco at ng kanyang non-showbiz girlfriend ang tungkol sa pagpapakasal.

Sabi ng Kapuso hunk, “Siyempre minsan napag-uusapan na rin kasi… pero wala pa namang plano talaga.”

Wala pa raw sigurong magaganap na kasalan kahit hanggang next year.

Mahigit isang taon na simula ng magkabalikan sila ng female attorney na karelasyon nila.

“Nagkaroon lang bigla ulit ng communication,” dagdag pa niya.

Bakit sila nagdesisyong magbalikan?

Paliwanag ni JC, “Kasi marami na rin po kaming napagsamahan.

“So, kumbaga, alam na niya yung ugali ko, alam ko na yung ugali niya, yung pagsasama namin maayos.”

At na-realize ni JC na ito pala talaga ang mahal niya.

“Oo, ganun, e.”

Ayon pa rin sa Survivor Philippines winner, , hindi naman nila itinatago ang relasyon nila.

“Hindi naman itinatago, pero kasi non-showbiz kasi siya, e.

“I mean, hindi lang pinag-uusapan sa labas, kasi yun nga dahil hindi naman po siya showbiz.”

Lawyer sa Senado ang girlfriend ni JC na mas matanda sa kanya ng three years.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si JC sa presscon ng Sinungaling Mong Puso, na ginanap sa Le Reve Events Venue sa QC, noong July 8.

NOT YET READY TO SETTLE DOWN. Handa na ba siyang mag-asawa?

“Hindi pa, e!” natawang sagot ng 33-year-old Kapuso hunk.

Kailan niya balak mag-asawa?

“Mga thirty-five siguro. Matagal pa.”

Halos sampung taon na ang relasyon nila ng GF niya, kasama na ang maiksing panahon na nag-break sila.

Hindi naman daw sila pinipilit ng mga magulang nila na magpakasal na.

“Hindi naman, kung ano ang desisyon namin pinapabayaan lang nila kami,” sabi niya.

Hindi ba siya sinasabihan ng parents niya na bigyan na ni JC ng apo ang mga ito?

“Hindi naman!” tawa ulit ni JC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN