Mark Herras on sex video allegations: "Hindi naman ako ganung ka-wild."

Mark Herras can't help but be amused by the resurfacing of alleged old sex videos of his taken from way back. He says, "Meron ba? Talaga?"


Dinamayan ni Mark Herras ang girlfriend niyang si Winwyn Marquez nang hindi nanalo ang ina at kapatid nitong nakaraang eleksyon.

Natalo sa pagka-Senador si Alma Moreno at natalo sa pagka-Vice-Mayor si Jeremy Marquez sa Paraaque.

Saad ni Mark, “Siyempre kinausap ko siya, and talaga namang... sabi ko sa kanya na at least nanalo si Vandolph, di ba?

“So okay naman yung mommy niya, okay naman siya.

“So yun lang, yun lang naman yung normally na kaya mong gawin, is kung kaya mo siyang kausapin or tawagan, di ba?”

Nanalong konsehal sa Paraaque si Vandolph na kapatid sa ina ni Winwyn.

Si Winwyn as SK (Sangguniang Kabataan) chairman dati. Kapag maisipan niyang tumakbo bilang public servant sa susunod na eleksyon ay susuportahan daw siya ni Mark.

“Actually, ang daming puwedeng gawin sa buhay niya, di ba?

“So kung anuman yung gusto niyang gawin in the future, I’ll support her.

“Kahit ano pa yung gagawin niya,” diin niya.

NO POLITICAL AMBITION. Si Mark ba ay walang ambisyon na maging pulitiko?

“Ha? Parang hindi ko naman linya 'yan. Ayoko.

“Hindi ko na rin siguro ano 'yan, hindi ko na linya 'yan,” pag-amin niya.

Napapanood sa Sa Piling Ni Nanay si Mark bilang si Jonas, at sina Yasmien Kurdi bilang si Ysabel, Katrina Halili bilang si Scarlet, Bettina Carlos as Wanda, Antonio Aquitania as Rod, Sofia Jayzel Cabatay as Maya, at si Ms. Nova Villa bilang Matilda.

Ang Sa Piling Ni Nanay ay sa direksyon Gil Tejada Jr. para sa GMA Afternoon Prime.

SEX VIDEO. Sa pagkauso ng sex video scandals ng mga male stars, may mga naglalabas online ng lumang sex video umano ni Mark.

“Meron ba? Talaga?” natatawang tanong niya.

Biro nga namin kay Mark, dahil ang sinasabing scandal video niya ay noon pa unang lumabas, siya ang isa sa mga “pioneer” ng mga sex videos ng mga celebrities.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tumawa muna si Mark bago nagsalita.

“Alam mo, yang mga taong naglalabas o yung mag taong walang magawa sa buhay, gusto lang nilang mapag-usapan, basically.

“So hindi ako magko-comment about it.

“Kasi hindi ko naman…

“Manira sila nang mga artista, gumawa sila ng mga ganyan, so dun na lang sa mga...

“Kung meron man na gumawa talaga or dun sa mga hindi napatunayan, siguro ingat na lang din sa mga taong pinapakisamahan nila,” lahad niya.

Hindi ba gumawa ng sex video si Mark?

“Kailangan ba?

“Hindi naman ako ganung ka-wild,” at tumawa si Mark.

STILL A LOYAL KAPUSO. Two years pa ang kontrata ni Mark sa GMA. Mula noong nag-artista siya thirteen years ago hanggang ngayon ay hindi umaalis si Mark sa GMA.

Bakit siya loyal Kapuso?

Paliwanag niya, “Ako kasi, sabi ko naman talaga, honestky speaking, siguro I will try na tumanggap ng trabaho like, hindi ko masasabi kung anong network...

“Siguro talagang kapag hindi na ako nabibigyan ng trabaho sa GMA.

“Pero kasi, yung loyalty ko kaya nasa GMA, kasi siyempre malaki ho yung pasasalamat at utang na loob ko sa GMA.

“Kumbaga, wala naman ako sa posisyon ko ngayon kung hindi dahil sa kanila.

“Sila yung dahilan kung bakit ako nandito, kung bakit ako may dalawang shows na naman today, di ba?”

Bida rin si Mark sa Conan My Beautician.

“So ako po malaki ang utang na loob at pasasalamat ko sa GMA for trusting and giving me a lot of opportunities sa buhay ko.

“Iyon na yung pinakamalaking reason kung bakit ako naging loyal sa GMA.

“Kasi wala naman ding reason para bigyan ko sila ng problema or mag-try ako ng ibang network.

“Kasi dito ako nagsimula. Kumbaga, dito ako ipinanganak ulit,” pagmamalaki niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN