Jake Vargas sheds teenybopper image; renews contract with GMA-7

Jake Vargas, who recently renewed his contract with GMA-7, said that he's ready to tackle more mature and daring roles. But he says, ""Kailangan ko munang paghandaan ang hitsura ko."


Hindi pa naisasapubliko ang buhay ni Jake Vargas sa Magpakailanman.

Hndi pa rin siya inaalok ng GMA na isa-telebisyon ang life story niya.

Papayag ba siya kung sakali?

“Hindi na po siguro!” tanggi niya.

Bakit naman? Makulay pa naman ang buhay niya.

Tugon niya, “Siguro kung may mag-o-offer na ganun, puwede, puwede po.”

May mga parte ba ng kanyang buhay o nakaraan na ipapaalis o ipapa-edit out niya?

“Actually naman, sa mga nangyari sa buhay ko, okay naman.

“So wala namang pangit na nangyari, so lahat naman ikukuwento ko talaga.

“Kung mangyari, siyempre yung magaganda, magagandang halimbawa, di ba?”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jake sa GMA Network Center noong nakaraang June 29 nang pumirma ito ng kontrata sa GMA Artist Center.

Bukod sa pagiging regular sa Pepito Manaloto, pinaghahandaan rin ni Jake ang concert nila nina Derrick Monasterio, Rocco Nacino at Aljur Abrenica sa Music Museum, ang Oh Boy! sa darating na Agosto.

READY FOR DARING ROLES? Twenty-two years old na si Jake, at willing na siya na magpaka-daring bilang isang artista.

Pag-amin niya, “Kailangan ko munang paghandaan ang hitsura ko.”

Balik-reaksyon namin kay Jake, two years ago, in an interview ay sinabi na rin niya ito.

“Ito na yun, ito na yun,” natatawa niyang lahad.

Ang ilang Tween male stars, tulad ni Derrick Monasterio ay nagpaseksi na sa mga pictorials.

“Pag twenty-five na ako,” at tumawa si Jake.

“Hindi, this year, this year, paghahandaan natin 'yan.”

Hindi naman siya maiilang o mahihiya kung magpapaseksi na siya?

“Ah, hindi naman. Basta handa na ang katawan ko.”

DREAM LEADING LADY. Tinanong naman namin si Jake kung sino ang nais niyang susunod na maging leading lady.

“Dapat siguro ka-height ko rin,” at tumawa si Jake.

“Sabi nga nila, niloloko nila ako, ‘Baka maabutan mo pa si Jillian [Ward] ha?’” at muling tumawa ang binata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala pa po akong naiisip, e.”

Si Kris Bernal?

“Puwede, si Kris!” bulalas niya.

Hindi pa raw niya nakakapareha si Kris.

“Parang naging kapatid ko lang siya sa isang show,” pagbabalik-tanaw niya.

MATURE IMAGE. Ano ang inaasahan niya sa pagpirma niya ng kontrata sa GMAAC?

Aniya, “Siguro yung iiwanan ko na yung pagiging teen ko, na Jake Vargas.”

Physically at sa mga roles, nais ni Jake na maging mas mature na bilang artista.

“Para new Jake naman siguro. And sana mabigyan ako ng show na talagang tatangkilikin ng mga tao.”

Plano ba yun ng GMAAC o si Jake mismo ang may desisyon nun.

“Sa akin mismo, and sila rin naman, gusto nila yun,” dagdag niya.

Sa tingin niya, handa na ang mga fans niya para sa isang “new” Jake Vargas?

“Excited naman siguro sila, kumbaga na makitang mas mature ako bilang artista,” pahayag niya.

Tumaas ba ang talent fee niya sa bago niyang pinirmahang kontrata sa GMAAC?

“Happy po ako, happy naman!

“Happy po ako sa nangyayari sa akin, sa mga blessings na dumarating sa akin kaya nagpapasalamat ako kay Lord.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN