Vivian Velez overwhelmed by outpouring of support for Dick Israel

Vivian Velez: "Alam mo, tayo ang nakakaalam ng buhay dito sa industriya, it's not all glamour. Alam naman natin, because we're independent workers, so we don't have any insurance, etc. Hindi naman continuous yung trabaho, especially with Dick, alam naman natin na he's already half paralyzed, because he had stroke, so pati yung speech niya affected. Siyempre, di siya nakakapagtrabaho the way he used to before."


Overwhelmed si Vivian Velez dahil sa dami ng tumugon sa panawagan nilang pagtulong sa kasamahan nila sa industriya na si Dick Israel.

Kamakailan ay nasunugan ng bahay ang veteran actor na paralisado na ang kalahating katawan matapos ma-stroke noong 2010.

Dahil na rin sa social media ay napaabot sa publiko at sa mga taga-showbiz ang kalagayan ni Dick.

Read: Dick Israel needs help!

Isa sa mga tumutulong ngayon sa beteranong aktor ay ang Damay Kamay Foundation, na binubuo ng mga taga-film and TV industry.

Isa sa mga kasapi nito ay si Vivian.

Paglalarawan ng aktres sa kanilang samahan, “Actually, yung Damay Kamay Foundation, we started it with Julio Diaz... with Richard Merck, kay Direk Ricky Rivero, and now yung kay Dick Israel na.

“Although it’s not an emergency in terms of medical emergencies, but we think it’s an emergency, in a way, kasi nasunugan siya, so it needs an immediate action.

“Yung Damay Kamay Foundation lang naman is an action team to just create awareness, in a way, na para sa mga donations.

“In fact, yung mga nagdo-donate talaga, yung mga malalaking donations are really coming also from our fellow artists.

“But then, this is the first time we reached out to the public.”

Patuloy niya, “Nakakatuwa, ang daming tumatawag, ang daming nagti-text, ang daming nagbibigay ng mga messages.

“Sinasabi nga, ‘Alam ninyo, fans kami ni Dick Israel. My father has a wheelchair,’ mga ganun.

“At this point, we’re going to talk to Dick, and we have to, kasi mabilisan ito.

“But then, for the meantime na we’re still talking and we’re planning on what to do, may mga donations na dumarating.

“Mayroon kaming mga napapaabot dun sa mga pangangailangalan niya.

“Of course, marami tayong mga kasama diyan, like the PCSO [Philippine Charity Sweepstakes Office] who's always helping us.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Especially dun sa mga medicines, yung mga medicines din ni Dick and medicines na kailangan.

“We’re reaching out, nagkakaroon naman kami ng direct access.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Vivian sa Mowelfund compound, kung saan may meeting ang Damay Kamay Foundation at ang Actors Guild of the Philippines sa pamumuno ng pangulo nitong si Rez Cortez, noong nakaraang linggo.

ACTORS UNITE. Ayon kay Vivian, sa ngayon ay nagko-coordinate ang Damay Kamay at Actors Guild dahil ang beneficiaries naman ng dalwang organisasyon ay ang mga artista.

Saad niya, “Actually, nagpo-formalize kami with Actors Guild, Film Academy.

“Yung coordination between Damay Kamay and the Guild kasi, ang beneficiaries naman mostly ng Damay Kamay are the Actors Guild members, so we’re just formalizing it right now.

“It’s a community, yung industry natin.

“Kami-kami ang nagtutulungan kasi kami-kami din ang nakakaalam ng mga problema ng mga artista.

“Akala ng mga tao, it’s all glamour, popularity.

“Ngayon, at least nakaka-reach out na kami, even the public is being aware na may ganitong mga circumstances.

“Artista man kami, parang mga ordinaryong tao din kami just like you guys.”

Dagdag pa niya, “Alam mo, tayo ang nakakaalam ng buhay dito sa industriya, it’s not all glamour.

“Alam naman natin, because we’re independent workers, so we don’t have any insurance, etc.

“Hindi naman continuous yung trabaho, especially with Dick, alam naman natin na he’s already half paralyzed, because he had stroke, so pati yung speech niya affected.

“Siyempre, di siya nakakapagtrabaho the way he used to before.”

UPDATE ON DICK. Nagbigay rin ng update si Vivian tungkol sa kalagayan ni Dick.

“He’s in high spirits.

“Siyempre yung health niya ganun na yun, it’s just na talagang nasunugan siya, so talagang nawala lahat.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saan na tumutuloy ngayon si Dick at ang pamilya nito matapos masunugan?

Ayon kay Vivian, “Undisclosed. Family yung nag-ano sa privacy nila... basta masarap ang kama niya.

“Actually, may nag-pledge na magpapatayo din nung bahay.

“But then, yung mga daily pa nila, ang dami pang dapat ayusin.”

Sa huli ay nagbigay ng mensahe si Vivian sa lahat ng tumulong kay Dick at naging tulay upang gumaan kahit papaano ang mabigat na pinagdadaanan ng beteranong aktor.

“Sana ho huwag kayong magsawa sa pagtulong dahil talagang malaki po ang naibibigay tulong nga sa mga nangailangan, not only for Dick, but eventually nga sa mga coming na mangangailangan pa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN