Single ladies Angel Locsin and Angelica Panganiban post their bonding moment

Angelica Panganiban and Angel Locsin, who reportedly had an issue before, call each other "blooming" and post their photos together on Instagram.


Nag-post sina Angelica Panganiban at Angel Locsin ng kanilang bonding moment sa kani-kanilang Instagram account nitong weekend.

Maraming netizens ang nakapansin sa nasabing social media posts dahil sa isyung kinasangkutan nila noon at ang pagiging single nila sa kasalukuyan.

Tinawag pa nilang "blooming" ang isa't isa sa kanilang captions.

Unang nag-post si Angel sa Instagram ng larawan ng dalawang pares ng paa na nakasapatos: naka-flats ang isa habang naka-sneakers naman ang isa.

"The foot feels the foot when it feels the ground." ????

A photo posted by Angel Locsin (@therealangellocsin) on

Sa Instagram post ni Angelica, mababasa naman ang mga salitang “single” at “don’t care” sa pares ng sapatos na naka-sneakers.

Sa isa pang photo na ipinost ni Angel, simpleng caption niya rito: “Blooming ka @iamangelicap.”

blooming @iamangelicap ????

A photo posted by Angel Locsin (@therealangellocsin) on

Tila sumagot naman si Angelica dahil nag-post din siya ng larawan nila at nag-caption ito ng: “Mas blooming ka @therealangellocsin.”

Mas blooming ka ?????? @therealangellocsin

A photo posted by Angelica Panganiban (@iamangelicap) on

Nagkomento naman ang ilang netizens at pinuri ang dalawa sa pagiging maganda sa kabila ng pagiging single.

Huling naging boyfriend ni Angel si Luis Manzano, samantalang si Angelica naman ay huling naugnay kay John Lloyd Cruz.

ON GOOD TERMS. May mga netizen din ang nagsabing natutuwa silang makita sina Angel at Angelica na maayos na.

Matatandaang nagkatrabaho ang dalawa sa pelikulang One More Try noong 2012, kasama sina Dingdong Dantes at Zanjoe Marudo.

Nagkaroon ng isyu dati na nagkairingan ang dalawang aktres habang ginagawa nila ang pelikula.

Pero tila statement ang kanilang Instagram posts na wala nang isyu sa pagitan nila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN