Kiko Estrada admits to dating Barbie Forteza

Kiko Estrada on his playboy image: "Mabait naman po ako... well, hindi ko alam kung bakit nami-misconcept ako na ganun. People judge at hindi naman ako nagdya-judge ng mga tao, so hindi ko po alam. At wala naman po akong balak na gawin yun at hindi naman po ako masamang tao.


“Yes, we’re dating.”

Ito ang diretsang sagot ni Kiko Estrada nang tanugin kung ano talaga ang status ng relasyon nila ni Barbie Forteza.

Dagdag pa ng Kapuso young actor, “Sobrang ganda ni Barbie.

“We’re dating, we’re getting to know each other, we hang out a lot.

“She’s beautiful and she’s a wonderful actress.

“Sobrang galing niyang umarte, award-winning.”

Dahil may ibang ka-love team si Barbie sa katauhan ni Andre Paras, pinagbabawalan ba sila ng management na umamin?

Tugon ni Kiko, “Hindi naman siguro.

“At this stage, hindi pa kami puwedeng mag-commit.

“I have a new show, mahirap.”

Ang tinutukoy ni Kiko ay ang bagong afternoon series ng GMA Network na Sinungaling Mong Puso, kung saan kasama niya sina Rhian Ramos, Rafael Rosell, Michael de Mesa, at Glydel Mercado.

Sa presscon ng nasabing soap noong July 8 nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kiko.

FROM KIM TO BARBIE. Hindi ba sila kagaya noon ni Kim Rodriguez na hindi puwedeng umamin?

“Hindi naman siguro,” sambit ng binata.

Ano ang kaibahan?

“Ang difference ngayon, hindi sinungaling ang puso ko!” natawang sabi ni Kiko.

Noong sila ba ni Kim ay sinungaling ang puso niya?

Kambiyo ni Kiko, “A, hindi, totoo… totoo akong magmahal. Palaging totoo akong magmahal.

“Ang problem ngayon, it’s so hard to balance my relationship with the soap I’m doing.

“Almost every day kaming nagsu-shoot and it’s my biggest break ever, so gusto kong maging one hundred percent focus ako.

“Hindi ko naman ipinagkakait na nagkikita kami [ni Barbie], at maganda talaga siya at magaling umarte.”

NO OVERLAPPING. Itinanggi naman ni Kiko na pinagsabay niya sina Kim at Barbie o may overlapping na naganap.

“Well, actually, hindi naman kami nag-overlap, yun ang totoo.

“At maayos naman kaming nag-ano ni Kim... I mean, we’re friends.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maayos ang pagbi-break nila ni Kim?

Paglilinaw ni Kiko, “Hindi naman kami nag-break kasi hindi naman kami. Hindi naman kami umamin.”

Ang pagiging magkaibigan ang nagtapos sa kanila ni Kim?

“Well, siguro yung pagkikita namin, pagha-hang out, pagdi-date na stage before.

“And, I guess, we both decided na we’re better off as friends.”

Paliwanag pa niya, “Different time, different point in life, different stage in life.

“Iba na yung ano ko ngayon, iba na ang estado ko sa buhay, nag-iiba na ang times ngayon.”

Dahil ba sa pagsasama nila ni Barbie noon sa That’s My Amboy kaya nag-iba na rin ang ilang aspeto ng buhay niya?

Saad ni Kiko, “Hindi naman natin malalaman ‘yan.

“Kung ikaw may boyfriend ka ngayon, nag-decide ka ng iba, we’ll never know.

“Iba-iba ang tao. Iba-iba ang pakiramdam.

“That’s why sinasabi ko kanina, walang tama, walang mali pagdating sa pag-ibig. Walang edad, walang kahit na ano.”

SUITOR. Hindi rin naman masabi ni Kiko na “exclusively dating” sila ni Barbie, basta dating lang daw.

Inamin din niyang nanliligaw siya sa Kapuso young actress, pero hindi pa raw siya sinasagot nito.

Ayon pa kay Kiko, “Siyempre, hindi naman easy-to-get si Barbie.

“Oo, e, hindi pa rin ako sinasagot.”

Magkaibigan sina Barbie at Kim kaya kinamusta namin kay Kiko ang dalawa kung may wall na ba sa pagkakaibigan ng mga ito ngayon.

“I think okay naman, they’re civil,” sagot niya.

Siya ba ang dahilan kung bakit ‘civil’ na lang ang dalawa ngayon?

Paglilinaw ni Kiko, “Hindi naman, dalawang mabait na tao yun and they’re understanding.

“And, you know, they’re different people at mabait naman sila.”

Kung sakali, si Kiko ang unang ‘mamahalin’ ni Barbie dahil hindi pa ito nagkakaroon ng boyfriend.

Kaya may mga nakabantay kaya Kiko kapag pinaiyak niya si Barbie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman ng young actor, “Wala naman po akong paiiyakin.

“Wala naman akong sasaktan, totoo naman ang puso ko diyan.”

May imahe si Kiko na parang playboy, na baka lokohin lang daw niya si Barbie.

Pero pagtatanggol niya sa sarili, “Mabait naman po ako... well, hindi ko alam kung bakit nami-misconcept ako na ganun.

“People judge at hindi naman ako nagdya-judge ng mga tao, so hindi ko po alam.

“At wala naman po akong balak na gawin yun at hindi naman po ako masamang tao.”

Hindi ba siya naba-bash ng fans?

“Wala naman at kung meron man, opinyon naman nila yun, and I don’t really care, basically.”

Matagal na rin naman silang nagkakasama ni Barbie, pero ano ang mga nakita niya ngayon at naisipan niyang ligawan ito?

Ayon kay Kiko, “Sobrang bait niya, sobrang understanding, maasikaso.

“Yun ang maa-appreciate niyo sa taong yun. At saka, never a dull moment.

“Alam niyo naman ‘yan kapag kasama niyo si Barang, no dull moment.

“Yung totoong siya, yung makulit, yung bungingis niyang tawa.

“Parang ano, e, kunwari nag-usap tayo, walang stop. Meron ulit pag-uusapan.

“Yun ang masaya.”

MEET THE PARENTS. Kumusta naman siya sa mga magulang ni Barbie?

Ayon kay Kiko, “Actually, mabait naman po sila Tita.

“Parang ako pa lang daw yata ang pinayagan na iwan si Barbie sa date.

“Kumain kami sa Uptown, kumain kami sa masarap na healthy food.

“Sinusuportahan niya ako sa diet ko.”

Nakilala na rin daw ng mommy ni Kiko na si Cheska Diaz si Barbie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN