Kim Chiu defends Xian Lim against doubters: "Marami siyang kayang gawin."

Good news for Kim Chiu-Xian Lim Fans. They will have their first concert together and a new movie is in the offing. "Antay na lang sila sasusunod na teleserye," Kim teases.


Walang malisya kay Kim Chiu ang ginawang pagnanakaw ng halik sa labi sa kanya ni Xian Lim sa concert ng Kapamilya actor, ang A Date With Xian, sa Kia Theater noong Sabado, July 9.

Natatawang sabi ni Kim, “Okay lang! Nagulat ako, wala, wala na akong magawa, e.

“Okay lang, gift ko na sa kanya, sa dami ba naman ng ginawa niya today.”

Proud naman daw si Kim sa ka-love team dahil sa ginawa nito sa concert.

“Grabe, lahat ng kaya niyang gawin at akala ng tao na hindi niya kayang gawin, ipinakita niya tonight.

“From pop to rock to classical to lyrical to hip-hop to novelty.

“Sabi ko nga, all-in-one na siya, 'no?

“Nung nanood nga ako ng rehearsal kanina, walang dull moment.

“Parang all ages, simula bata hanggang matanda, pasok.

“Nakakatuwa, nakaka-proud.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Kim pagkatapos ng concert ni Xian.

DOUBTERS. Ayon kay Kim, underrated performer si Xian kaya malaking tulong daw ang concert nito.

“Unfair? Hindi naman, ano lang, good thing na nangyari yung concert niya tonight.

“A lot of people doubt na hindi niya kaya.

“Parang wala namang tao na hindi kayang gawin, try lang nila.

“Nakakatuwa, kasi ito sa Star events, binigyan siya ng venue to showcase all his talents.

“Kaya niya naman, basta pag-aralan niya lang.

“Gustong-gusto niya ito, hindi siya napapagod.

“Rehersals sa umaga, kanta,kanta, sayaw-sayaw, sayaw.”

Worried nga raw si Kim, pero sabi raw ni Xian sa kanya, “Hindi, okay lang ako.”

Sabi pa ng aktres, “Naipakita niya na marami pala siyang kayang gawin.

“Malaki lang siya pero kaya niya, yung ganun.”

HUGE SUPPORT. Kinabahan nga raw si Xian na baka hindi mapuno ang Kia Theater dahil may bagyo pa nung Sabado.

Kuwento ni Kim,“Sabi ko, 'Maraming tao kasi nagbayad sila sa ticket mo.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Di naman siya mall show na sana mamaya, ganun.”

At buo pa rin ang suporta na ipinakita sa ng KimXi fans kay Xian.

“Nakakatuwa, nakaka-proud na ang daming tao.

“Yung audience, sobrang lively, yung ganun.

“May mga lumipad from ibang bansa kahit bumabagyo.

“May mga nag-uwian pa from Singapore, from U.S.”

Nalaman daw ni Kim na iyong iba ay baka hindi na makabalik sa Pasko kasi umuwi na sila para sa concert ni Xian.

“Iba yung ganung mga tao, sobrang dedicated nila, so we’re very proud to have them.”

SINGAPORE GIG. Masaya ring ibinalita ni Kim na may concert silang pagsasamahan ni Xian sa unang pagkakataon.

Mangyayari raw ito sa Singapore sa susunod na buwan.

Fantasy Date, August 14, sa Singapore.

“First yun, sana kunin pa siya ng iba pa,” wish pa ni Kim.

Bukod dito, isang pelikula ang susunod na proyekto nina Kim at Xian.

“Wala pang full details, next pa yung meeting.

“I’m always looking forward naman pag may binibigay na project.

“Kasi hindi ganun kadaling mabigyan ka ng proyekto sa dami ng artista, so masaya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN