Gee Canlas admits Sef Cadayona is her kind of guy: "Gusto ko kasi yung pinapatawa ako parati."

Is Gee Canlas open if Sef Cadayona makes a move on her? "Hindi ko naman siya susupalpalin," she smiles.


Tila kinikilig ang sexy comedienne na si Gee Canlas kapag tinatanong kung pinopormahan ba siya ng Kapuso comedian na si Sef Cadayona.

Marami kasi ang nakakapansin sa pambihirang closeness nila ni Sef sa sexy comedy series ng GMA Network na A1 Ko Sa 'Yo.

May reputasyon na kasi si Sef na ma-link sa mga magaganda at sexy na katrabaho niya, tulad nina Yassi Pressman, Andrea Torres, at Max Collins.

At ngayon naman ay si Gee ang nauugnay sa komedyante.

Sabi ni Gee, “I’m just happy to know somebody like Sef, he’s a very charismatic guy.

“Noon ko pa naman kilala si Sef when I did I Laugh Sabado.

“Doon ko siya unang nakilala, pero mas naging closer kami when we did A1 Ko Sa 'Yo.

“Kapag breaktime namin kasi sa set, nagkakaroon kami ng time na magkuwentuhan.

“Pareho kaming mahilig sa music… we both dance din.

“Kaya marami kaming napag-uusapan kapag kaming dalawa lang.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gee sa press conference ng GMA teleserye na Sinungaling Mong Puso noong Biyernes, July 8, sa Le Reve Events Venue, sa Quezon City.

LIKELY BF? May possibility bang ma-in love si Gee kay Sef?

Sagot niya, “Yung personality ni Sef kasi ang gusto ko sa isang guy.

“He has this great sense of humor, yun kasi ang una kong hinahanap sa isang lalaki.

“I had two other boyfriends before and, physically, malayo si Sef sa dalawang yun.

“Pero yung personalities nila ay pareho, gusto ko kasi yung pinapatawa ako parati.

“Tapos kapag nag-uusap kami, hindi ako mabu-bore kasi nakaka-relate ako sa conversation namin.

“Walang boring moment with him kasi nga mahilig siyang magpatawa kahit na seryoso na kayong nag-uusap.”

Kung sakaling ligawan siya ni Sef, may pag-asa ba ito sa kanya?

Sagot ni Gee, “Well… hindi ko naman siya susupalpalin.

“Siyempre, itatanong ko muna kung bakit siya manliligaw sa akin.

“Magpapa-girl naman ako, di ba?

“Kasi yung mga na-link sa kanya ang gaganda at ang seseksi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayoko namang magmukhang awkward, di ba?

“Tsaka ayokong isipin na may ligawan sa magaganap.

“Okey kami ni Sef as friends at co-workers, wala munang ganyan sana.”

CHEMISTRY. Hindi naman daw sinadyang i-pair si Gee kay Sef sa A1Ko Sa 'Yo.

Napansin lang daw ng kanilang direktor na si Randy Santiago na may magandang chemistry ang dalawa.

Sabi ni Gee, “May magandang rapport na kasi kami ni Sef at napansin ni Direk Randy yun.

“Kaya most of our scenes ni Sef ay naghaharutan kami.

“Nagseselos ako sa mga girls na pinopormahan niya, minsan nagiging pisikal pa ako sa kanya.

“Maganda kasi ang batuhan namin ng linya ni Sef.

“Kahit na hindi rehearsed, ang gandang tingnan kasi natural lang.

“Ang husay kasi ni Sef bilang comedian.

“Mabilis siyang makapag-isip ng isasagot niya sa ibinato kong dialogue sa kanya.

“Kaya ang sarap lang na makaeksena ang tulad niya,” ngiti pa ni Gee.

Bukod sa A1 Ko Sa Yo, susubukan naman na mag-drama ni Gee sa Sinungaling Mong Puso bilang confidante ni Rhian Ramos.

May sinu-shoot din siyang indie film at may sarili siyang online show titled GeeTV kunsaan siya ang writer at director nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN