Luis Manzano admits to being patola to bashers: "Bakit hindi? Pare-pareho tayong tao."

Ayon kay Luis Manzano, hindi porke't napapanood siya sa telebisyon ay puwede na siyang bastus-bastusin ng bashers. Kaya kapag below-the-belt na raw ang mga banat sa kanya ng mga ito ay hindi na niya pinapalampas.


Ayon kay Luis Manzano, bukod sa pagiging isang public figure ay tao rin siyang may damdamin na nasasaktan.

Kaya naman kapag may mga hindi magandang komento o puna sa kanya sa social media ay kanya itong pinapatulan.

Hindi lang isa o dalawang beses, kundi maraming pagkakataon na pumatol ang Kapamilya TV host sa mga bashers.

Sabi ni Luis sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang media sa launching ng bagong season ng Minute To Win It kahapon, July 11, “Bakit hindi? Bakit hindi?

“O, let me ask you, bakit hindi?

“Bakit hindi? Pare-pareho tayong tao. Dapat ba hindi ko patulan?

“Bastusin mo ako, hindi kita papatulan?

“At the end of the day, hindi ako artista, tao ako.

“Bastusin mo ako, babastusin kita.”

Nasasaktan din siya sa mga ibinabatong isyu sa kanya minsan ng trolls?

Ayon kay Luis, “Depende. More of natatawa minsan.

“Pero yung sa akin, bakit hindi?

“Bakit, porke ba mas nakikita ako sa TV it doesn’t make me a better person?

“Doesn’t mean I have to be this way?”

Ibig bang sabihin, nagpapakatao lang siya kapag may pinatulan na siyang bashers?

“Yes. I think, di ba?” sagot ni Luis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN