Cesar Montano unexpectedly reunites with daughters with Sunshine Cruz

Kahit mayroon silang hindi pagkakaintindihan, sinabi ni Sunshine Cruz na isinasantabi nila ito ng estranged husband na si Cesar Montano alang-alang sa kanilang mga anak na sina Angelina, Samantha, at Francesca. Aksidenteng nagkita ang mag-aama kagabi, July 11, sa isang hotel sa Pasay City.


Sa hindi inaasahang pagkakataon ay muling nakasama ni Cesar Montano ang kanyang tatlong anak na babae na sina Angelina, Samantha, at Francesca kagabi, July 11.

Sa kanyang post sa Instagram, kitang-kita ang kaligayahan sa mukha ng Ang Probinsyano actor na nakapiling niyang muli ang tatlo nilang anak ng estranged wife na si Sunshine Cruz.

Kaya naman marami ang nagtanong sa social media account ni Sunshine tungkol sa pagkikita ng mag-aama.

Ngayong araw, July 12, isang mahabang Facebook post ang ibinahagi ng Dolce Amore actress sa kanyang followers.

Dito ay ipinaliwanag niya kung ano ang nangyari sa Resorts World Manila kagabi, at kung paano aksidenteng nagkita si Cesar at ang kanilang mga anak.

Pahayag ni Sunshine, “For the record. My kids, nephews, Dupaya Family and sis Ynez were there with me for my advance birthday dinner at Resorts World.

“My ex-husband with his brother and some friends were there too. Just 1 or 2 restaurants away from us.

“I believe that it was meant to happen. Same time and same place pa kaya alam ko si God ang kumilos.

“The kids were tensed but excited when they learned and saw their father.”

Bilang isang ina, naintindihan daw ni Sunshine ang naramdaman ng mga anak nang malamang nasa parehong lugar si Cesar, kaya hindi na raw siya nag-atubiling sabihan ang mga ito na puntahan ang kanilang ama.

Dagdag pa ng aktres, “It was emotional I heard from my best friend Ayapud Yhtak.

“Hindi naman kasi ako lumapit at pinili kong maghintay sa upper level.

“Masaya ako sa pangyayaring ito.

“I've been vocal ever since na kailangan ng mga bata ng ama sa buhay nila but, unfortunately, may mga bagay na nangyari at bilang isang ina, gagawin ko ang alam ko ay tama, ang proteksyunan ang mga bata at irespeto ang kagustuhan nila.”

HOPEFUL. Sa huli, sinabi ni Sunshine na umaasa siyang maging maayos na ang relasyon ng kanyang mga anak sa kanilang ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Alam din daw niyang kailangang isantabi nila ni Cesar ang kanilang hindi pagkakaunawaan alang-alang sa kapakanan ng mga bata.

“I’m hoping this will be the start of a better relationship of our kids and father.

“We as parents need to remember na hindi ginusto ng mga bata na tayo ang maging magulang nila.

“I know our kids deserve a good life because they are wonderful children. Sana maging maayos na talaga at sana huwag na muna ipilit na magkaron ng relationship ang kids sa mga taong alam nya at alam nyang alam naming nakasakit sa kanila.

“Sya, ang tatlong bata at si Diego lang muna SANA. Dahan-dahan at baka maka apekto na naman kasi sa mga bata. Btw, salamat sa cake. Much appreciated yan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN