JC de Vera reacts to Jessy Mendiola-Luis Manzano romance


Nauugnay ngayon ang ka-love team ni JC de Vera na si Jessy Mendiola sa TV host-actor na si Luis Manzano.

Bagamat wala pang direktang inaamin sina Jessy at Luis sa tunay na estado ng relasyon nila, inamin ng dalawa na nagdi-date nga sila.

Naging patok sa mga manonood ang tambalan nina JC at Jessy sa dating primetime series ng ABS-CBN na You’re My Home, at marami rin ang umasang magkatuluyan sila sa tunay na buhay.

Ngunit ngayon nga ay nauugnay si Jessy kay Luis, kaya marami ang gustong malaman kung ano ang reaksiyon dito ni JC.

Pahayag ng Kapamilya actor, “I think it’s okay, I’m okay with it.

“We’re both positive pa rin sa mga ginagawa namin.

“Wala akong nakikitang malisya… sabi ni Jessy, they’re friends.”

Ayon pa kay JC, masaya siya sa team-up nila ni Jessy at sa mga proyektong pinagtatambalan nila.

“Yung love team namin was magical, hindi namin in-expect na magiging ganito and nakita na mangyayari lahat ng ito na, yun nga, dadami ang followers namin, na may mga susunod talaga sa amin.

“As of now, we are enjoying the ride, talagang maganda yung takbo ng trabaho naming dalawa.

“We are enjoying, yun lang talaga.

“Anything more, wala pa, hindi pa namin pinag-uusapan.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si JC sa launch ng YES! 100 Most Beautiful Stars 2016, na ginanap sa Luxent Hotel, noong Lunes, July 11.

May posibilidad kayang maging higit pa sa pagiging magkaibigan at magka-love team ang relasyon nila ni Jessy?

Tugon ni JC, “Hindi ko pa siya naiisip as of now.

“Kung anuman ang mangyayari sa future, mangyayari siya.

“Ngayon nga kasi, very loaded kami with so much things, na ini-enjoy talaga namin yung bawat project na ginagawa namin together.”

Ano naman ang masasabi niya na si Jessy ang itinanghal na FHM Sexiest Woman for 2016?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay JC, “Very, very proud ako sa kanya.

“Isa ako sa mga number one supporters niya.

“To be honest, isa ako sa nag-campaign for her before pa i-announce na siya ang number one.

“Isa ako dun sa mga nagsasabi na ‘Vote for Jessy. No. 1 for FHM.’

“She deserves it, I’m really happy for her.

“Nararapat yun para sa kanya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN