MTRCB summons Eat Bulaga! execs over Sen. Tito Sotto's 'victim-shaming'

IMAGE Noel Orsal


Ipinatawag ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pamunuan ng Eat Bulaga! sa isang pagpupulong sa darating na July 21, 2016.

Ito ay kaugnay ng July 9 episode ng noontime program ng Television and Production Exponents (TAPE), Inc. sa segment na 'Juan For All, All For Juan,' kung saan ayon sa ilang netizens ay nabastos diumano ni Senator Tito Sotto, isa sa mga host ng show, ang babaeng winner sa kanilang 'Sugod Bahay.'

Nagkuwento kasi ang lucky winner tungkol sa nangyaring pananamantala diumano sa kanya ng isang kaibigang lalaki dahil sa kalasingan.

Dahil daw sa nangyari kaya hiniwalayan ang naturang babae ng kanyang mister, kahit na hindi raw alam ng una kung ano nangyari o wala siyang naaalala dahil sa sobra rin niyang kalasingan.

Ayon naman kay Sen. Sotto, ang pinakadahilan daw ng mga ganoong pangyayari ay ang pag-inom ng alak.

Kinastigo rin ng TV host-politician ang naturang babae dahil sa pag-inom nito.

Aniya, “Kababae mong tao, shot-shot ka.”

Sinang-ayunan naman ito ng location hosts na sina Jose Manalo at Wally Bayola.

Kahit nakangiti lang ang nasabing contestant, hindi naman ito nagustuhan ng ilang mga nakapanood ng programa at agad na ipinarating sa MTRCB ang kanilang reklamo.

Kabilang sa mga ipinatawag ng MTRCB ay sina TAPE president and general manager Antonio Tuviera, senior vice president at executive producer Malou Fagar, at ang senior vice president at creative head na si Jeny Ferre.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN