VP Robredo takes oath as HUDCC secretary the same date her late husband took his oath as DILG secretary

Pormal nang nanumpa si Vice President Leni Robredo sa harap ni President Rodrigo Duterte bilang Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) secretary kahapon, July 12. Kasama ni VP Rodrigo sa oathtaking ang tatlo niyang anak na sina Jessica Marie, Janine Patricia, at Jillian Therese.


Pormal nang nanumpa bilang secretary ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) si Vice President Leni Robredo kahapon, July 12.

Si President Rodrigo Duterte ang nag-administer ng oath of office ni Vice President Robredo sa Malacaan Palace.

Sinaksihan ng tatlong anak ni VP Leni na sina Jessica Marie, Janine Patricia, at Jillian Therese ang kanyang panunumpa.

Matapos nito, nagbahagi sa kanyang Twitter account si Jillian tungkol sa pagkakapareho ng petsa ng panunumpa ng ina sa oathtaking noon ng kanilang yumaong ama bilang kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Ayon naman sa mga komento, mukhang may blessing daw talaga mula kay former Secretary Jesse Robredo ang iniatang na bagong tungkulin sa kanilang ina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN