Rhian Ramos admits being duped twice by faithless ex-boyfriends

IMAGE Noel Orsal

Rhian Ramos is enjoying her relationship with non-showbiz boyfriend, but she's determined to stay single until she's 35. She says, "It's another ten years for me… I always get the explanation na, 'Kaya naman kitang alagaan. But, for me, I want to get things for myself."


“Ito na talaga yun!”

Ito ang natatawang sagot ni Rhian Ramos sa tanong kung ang bago niyang afternoon prime sa GMA-7 na Sinungaling Mong Puso ang masasabi niyang pinaka-daring project niya.

Aniya, “I’ve been hearing those words for ten years now and finally I can say na this is it.”

Bukod sa naniniwala si Rhian na ito na nga ang tamang panahon, tamang materyales din daw kaya siya pumayag na gawin ang teleserye.

“Tamang material kasi and it’s part of the story, it’s not a gimmick.

“I’m willing kasi, supposed to be, yung pagka-sexy ng story is needed para ma-feel ang intimacy ng story.”

Nakausap namin si Rhian sa presscon ng Sinungaling Mong Puso.

Sa totoong buhay raw ay wala pa naman siyang nasabihan na sinungaling ang puso nito.

Walang nanloko sa kanya?

“Oh, meron… different girls nga every night, I didn’t even know.

“Yes, hugot!” natawa niyang sabi.

Ilang beses na siyang naloko?

“Mga twice, but I’m not naman holding grudges.

“Siyempre, at that time, masakit, iniyakan ko.

“Pero, nowadays, parang I feel like mas marami akong alam because of it.

“Kaya hindi na ako magpapaloko.”


NON-COMMITTAL. Sila ng non-showbiz boyfriend niya ay may isang taon at pitong buwan na rin daw magkarelasyon.

Pero wala pa raw sila sa stage ng pagpapakasal.

Sabi ni Rhian, “Siyempre, we attend weddings… our friends get married, we go together.

“’Pagka ganun, we talk about our views on marriage, pero hindi namin pine-personal.

“Hindi namin sinasabi when we will get married or something like that.

“It’s very general and we don’t talk about it, including ourselves.”

Sa sunud-sunod na mga nagpapakasal sa showbiz, hindi pa rin niya nakikita ang sarili sa ganoong senaryo?

“I feel like I might want different things compared to my friends.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sila, they’re ready to settle down, I’m not.

“I’m happy for them, but not yet for me,” natawa niyang sabi.

Twenty-five years old pa lang si Rhian at nakikita lang daw niya ang sariling magpapakasal pag 35 na siya.

“So it’s another ten years for me.”

Dugtong pa niya, “I wanna start a business, I always get the explanation na, 'Kaya naman kitang alagaan.'

“But, for me, I want to get things for myself.”

May mga business investments na rin si Rhian. Isa na rito ang beer company na Pedro.


PREPPING UP. Nasa Europe daw si Rhian nang tawagan siya ng GMA-7 at ipaalam na may bago siyang teleserye.

Doon pa lang ay pinaghandaan na niya nang husto ang bago niyang role, “Talagang puro gulay at saka takbo.

“I just got back from a three-week vacation in Europe.

“I was eating a lot [there], and they called me… and told me about it.”

Magsisimula raw ang pagiging daring ng character niya nang magpakasal na sila ni Rafael Rosell sa serye.

Nagsimula ang kuwento bilang isa siyang beauty queen hanggang sa magiging interior designer siya.

Ang huling teleserye ni Rhian ay ang The Rich Man’s Daughter noong isang taon kung saan lipstick lesbian ang role niya.

Ka-love team niya rito si Glaiza de Castro, at parang hanggang ngayon ay hindi pa rin nakaka-move on ang mga naging tagahanga nila.

Komento niya, “Siyempre, we’re happy, we like it.

“Feeling ko, through that project, we really made a big bond with our fans, e.

“We met them, they came on set, we spoke to them.

“We had fans day, so hayun, parang may relationship-building kami with our fans.”

Pero may ilusyon ang iba na parang sana nga, magkatuluyan sila ni Glaiza?

“Well, I hope naman na they don’t just support us for that, that they hope they will end up together.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hopefully, they support us because we always want to give them our best in our performances.”

LIKING FHM. Si Rhian ang July cover girl ng FHM magazine.

Kung titingnan ang FHM cover niya, masasabing tame ito kumpara sa ibang mga daring photo shoots niya.

Kaya ba siya napapayag?

“They came and visited me in Alabang and we had a meeting there.

“They gave me two or three of their most-recent magazines and told me they did a rebrand.

“And so I looked at every single page and the article that I used to not like was no longer there.

“May mga articles kasi na after reading, I don’t want to flip the page… kaya ayoko before.

“Ngayon, wala na and I like the material and I like the direction of the magazine is going in.

“I fully support it, and I came to display my version of what sexy is on their pages.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN