Ex-PDA singer Jay-R Siaboc surrenders to police for drug use

Jay-R Siaboc surrenders to police after rumors about him being a drug pusher spread in social media. The Pinoy Dream Academy runner-up says he is not selling drugs, but admits he is a user.


Sumuko sa pulisya ang dating Pinoy Dream Academy (PDA) contestant na si Jay-R Siaboc kasunod ng pagkalat sa social media ang diumano'y pagiging drug pusher niya.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, personal na sumuko ang dating PDA scholar sa himpilan ng pulisya sa Toledo City sa Cebu kahapon, July 13.

Dito ay itinanggi niya ang paratang na nagbebenta siya ng ipinagbabawal na gamot, bagamat inamin din niya na gumagamit sila ng kanyang asawa.

Ayon kay Toledo City Police Chief Samuel Mina, isa si Jay-R sa mahigit 200 drug users na sumuko sa kanilang himpilan noong Martes.

Sumumpa rin si Jay-R na hihinto na siya sa paggamit ng ipinagbabawal na droga.

Si Jay-R ay first runner-up sa naturang singing talent show, kung saan si Yeng Constantino ang itinanghal na grand winner noong 2006.

Samantala, sa ekslusibong panayam ng ABS-CBN News kay Yeng, isang mensahe ang ibinigay niya sa kanyang kasabayang singer.

“[M]aganda yung desisyon na ginawa niya dahil gusto niyang magbago na ng buhay,” sabi ni Yeng.

“Gusto mong magbagong buhay, alam namin.

“We will back you up with prayers at sana ay magka-connect tayo para magkausap tayo very soon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN