Has Barbie Forteza finally fallen for Kiko Estrada?

IMAGE Marianne Padilla

Barbie Forteza is not admitting anything, but her happy face seems to be showing her friendly relationship with Kiko Estrada is getting somewhere deeper.


Pinanindigan ni Barbie Forteza ang una nang inaibahagi ni Kiko Estrada na nasa dating level na ang status ng relationship nila.

Ang tanong kay Barbie, exclusively dating ba sila?

“Sabi niya hindi, ‘di ba?” mabilis naman niyang sagot.

Nakausap si Barbie ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment reporters sa launch ng YES! Most Beautiful Stars List bookazine ng YES! magazine na ginanap sa Luxent Hotel nitong Lunes, July 11.

Biniro namin ito na mukhang binasa muna niya ang lumabas na artikulo ni Kiko rito sa PEP bago siya nagpunta sa event.

“Oo, ‘di ba? Dapat handa ako, baka hindi magtugma,” natawang pag-amin naman niya.

Si Barbie at si Andre Paras ay kasama sa Most Beautiful list ng YES! sa kategorya ng "Fast-Rising Love Teams."

Sila nga ni Andre ang magka-date sa nabanggit na launch.

Pero tungkol pa rin kay Kiko ang tinatanong sa Kapuso actress.

Naaaliw lalo na ang entertainment press kay Barbie dahil napaka-transparent nito.

Halata rin na masaya siya, ganun ba siya talaga kapag in love?

“Masyado ba 'kong harot?” natawang tanong naman niya, “Happy, masaya.”

Dugtong pa niya, “Aminin niyo, nakaka-bore na rin akong interbyuhin kapag tinatanong niyo 'ko.

“Kumusta ka naman? May nanliligaw na ba sa ‘yo? Sinong crush mo? Yun pa rin?

“At least ngayon, masaya 'ko, may iba na akong tino-talk.”

THREE-MONTH RULE. Hindi lang naman sa That’s My Amboy nagkasama sina Barbie at Kiko.

Dati na silang magkasama sa Tween Hearts, pero parang ngayon lang nila napansin ang isa’t isa.

“Sa Tween Hearts, hindi kami palaging nagkakasama, hindi kami nagkakausap.

“Tahimik pa siya run. Dito lang sa Amboy kami nagkaroon ng chance na magkausap.

“Kaya noong nakilala ko siya, okey na siya, he doesn’t take things for granted.

“And he likes to wait din, nirerespeto niya 'ko.”

Paano manligaw si Kiko?

“Sinusundo niya 'ko sa bahay,” ang tila kinikilig pang sagot ni Barbie.

Dugtong pa niya ng natatawa, “At saka, never niya 'kong pinagbayad.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba sila nag-overlap ni Kim Rodriguez?

Matagal na naging magka-love team at nali-link sa isa’t isa sina Kiko at Kim hanggang sa mabalitaan na lang na tila si Barbie na nga ang nililigawan nito.

“Sinunod ko ang three-month rule… at proud ako run,” saad ni Barbie.

Okey naman sila ni Kim?

“Hindi pa kami nagkikita ulit,” pag-amin naman niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN