Jaclyn Jose brandishes award to humor bashers: "Nasa akin na si Palme d'Or, wala na silang magagawa."

From Jaclyn Jose to her bashers, a word: "They have the right to say whatever they like. Hayaan na lang natin… Pero sana lang, nakapanood 'tong mga taong 'to, ha."


Punung-puno halos ang kalendaryo ng Cannes Best Actress na si Jaclyn Jose.

Pero nilinaw niya na kahit bago pa siya manalo sa Cannes, talagang palagi na raw ganun ang schedule niya.

Nadagdag lang daw ngayon ang maraming events na pinupuntahan niya.

“Before pa naman, siguro kasi ngayon, nagkakaroon ng mga ganitong in-between kaya punong-puno.

“Guestings, pictorial, nahahabol ang YES! Most Beautiful.

“Nahahabol ang Most Influential ng PAL Mabuhay... maraming mga naihahabol dahil sa nangyari.

“Pero basically, ganito palagi ang load with GMA, nadagdagan lang ng events.”

Dahil nga sa pagkapanalo niya sa prestihiyosong Cannes Film Festival kaya sunod-sunod din ang mga rekognisyon na natatanggap niya.

Sabi ni Jaclyn, “Siyempre, kadikit 'yan ng pagka-panalo.

“You have to be one of the most beautiful, you have the Palme d’Or.

“Nandoon yun sa pictorial namin, siyempre you cannot say no naman to Anna Pingol [managing editor of YES!] and kay Jo-ann Maglipon [editor-in-chief of Yes! magazine and PEP.ph].

“Mahal na mahal kami ni Andi [Eigenmann] ng dalawang ‘yan, pamilya ng YES! na ‘yan at saka ng PEP.” lahad pa niya.

Ang tinutukoy ni Jaclyn na pictorial ay para sa 100 Most Beautiful Stars for 2016 ng YES! Magazine, kung saan nag-iisa siya sa kategoryang "In A League of Her Own."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jaclyn sa block screening ng pelikula niyang Ma’ Rosa, sa Podium Mall, noong July 11.

Ang kanyang talent management na PPL Entertainment, Inc. ang nag-sponsor ng naturang screening.

BASHERS. Sa kabila nga ng mga rekognisyon na natatanggap niya ngayon, tila hindi pa rin nawawala ang detractors ni Jaclyn.

“Handa ako, sinabi ko nga kay Brillante [Mendoza, Ma’ Rosa director] na kapag naipalabas ‘to, meron ‘yan.

“You cannot please everyone.

“Basta nasa akin na si Palme d’Or, wala na silang magagawa!” natawang sabi niya.

Dagdag pa ni Jaclyn, “Okey na yun, magpapaliwanag na lang ako sa ibang palabas ko.

“I’m sure, hindi naman… nanonood naman ang mga ‘yan, I’m sure, hindi naman nila pinepersonal.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabalitaan din daw niya ang ginawang pagdepensa ng anak na si Andi sa mga bumabatikos sa kanya sa social media.

Ayon sa aktres, “Oo nga raw, nabalitaan ko.

“Mamaya kakausapin ko, sasabihin ko sa kanya, ‘Anak, hayaan mo sila, they have the right to say whatever they like.'

“Pero sana lang, nakapanood ‘tong mga taong ‘to kasi kung hindi… sasabihin ko sa kanya, ‘Hayaan mo na, anak, nasa atin si Palme d’Or, nasa bahay.

“‘Hindi nila maano na yun, they can’t do anything about that, nandoon na ang flag natin, sa mga winners.'

“Natapos na, tapos marami pang pupuntahang festivals... hayaan na lang natin at saka, ano pa ba ang puwede kong sabihin sa kanila?

“Ang laki-laki na ng blessing na nakuha ko, okey na po yun, wala nang problema yun.”

ADVOCACY. Sa isang banda, sa bagong administrasyon ni President Rodrigo Duterte, nagkaroon ng pag-asa si Jaclyn na masugpo ang ilegal droga, na tema ng pelikulang Ma’ Rosa.

“May hope… actually, noong ginawa namin ‘to, hindi pa siya nagdedesisyon na tumakbo.

“August yun, e, pero same, ito yung advocacy ng film at saka ni Presidente.

“Poverty, crimes and graft and corruption, magkakasama yun, magkakamag-anak yun.

“Hindi puwedeng wala yung poverty, wala yung graft and crimes.

“Pero bilang ngayon, yung sosolusyunan na ng Pangulo, sana nga… timing lang talaga, sakto.”

Hindi na rin naman daw bago kay Jaclyn ang tema ng pelikula nila.

“Marami na akong nakikitang ganyan, oo… sa Tirador rin, marami na kaming nagawa ni Brillante na ganito.

“At ayaw niyang tumigil talaga hanggang… oh, well, tingnan mo naman, nandiyan ang bagong Pangulo.

“Ang laki-laki ng chance. So, we’ll see.”

THANKFUL. Masayang-masaya naman si Jaclyn sa ginawang block screening ng PPL Entertainment, Inc. ng kanyang manager na si Perry Lansigan.

Dumating din ang ibang mga kapatid niya sa PPL na sina Gabby Eigenmann, Geoff Eigenmann, Maya, Migz Haleco, Max Collins, Carlo Gonzales, at Rochelle Pangilinan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naroon din ang ibang Kapuso stars tulad nina Sid Lucero, Andrea Torres, at si Andi.

“Sabi ko nga kay Perry, you don’t have to, parang over na.

“Sobrang overwhelming, dumating pa sina Ma’am Lilybeth Rasonable.

“Sa akin, thank you talaga, Perry, tapos nandiyan ang PPL,” pagpapasalamat ni Jaclyn.

Bago raw siya umalis patungong France para sa Cannes Film Festival ay may nasagutan na si Jaclyn na indie film na pang-Q Cinema naman.

Sa Cebu raw ang shooting nila.

May gagawin din daw siyang play kay Andoy Ranay, may sitcom siyang A1 Ko Sa ‘Yo, at may teleserye rin siya.

“Everything is good,” nakangiting pahayag ng Cannes-winning actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN