Donita Rose admits separation from husband Eric Villarama after he posted photo with another girl

IMAGE Noel Orsal / Eric Villarama's Instagram

Donita Rose: "So, people have been saying, 'But you said you we're ok. How come you're not ok right now?' That's because it's been on and off, on and off. So, now I guess it made it official when the other day I found out that he came out with a [photo with another woman]. I think his profile pic is with [some girl].


Inamin ni Donita Rose na hiwalay na sila ng mister niyang si Eric Villarama matapos ng 12 taong pagsasama.

Nang tanungin kung nakaapekto ang kanilang long-distance relationship sa kanilang hiwalayan, sagot ni Donita, “It's not the long-cdistane relationship part that led [to our separation]... It's other things too.”

Aminado si Donita na mahigit dalawang taon nilang pilit na inayos ni Eric ang kanilang marriage bago sila tuluyang naghiwalay.

Ngunit hindi raw niya inaasahan ang lantarang pagpalit ni Eric ng Instagram profile picture kasama ang hinihinalang girlfriend nito.

Devastated daw si Donita.

“Well, yeah, absolutely.

“Actually, I only found out when I guested the last time [Good Times With Mo], a couple of days ago.”

Nakapanayam si Donita sa July 12 episode ng podcast program na Good Times With Mo, kung saan ang kanyang best friend na si Mo Twister ang host.

THIRD PARTY? Dito ay tinanong si Donita ng isang caller tungkol sa pagkalat ng larawan ni Eric kasama ang umano'y bagong karelasyon nito.

Base sa Instagram posts ni Eric, bandang Abril nang magsimula siyang magbahagi ng larawan kasama ang isang hindi pinangalanang babae.

Tila matagal nang magkakilala ang dalawa base sa caption ng isa nilang litrato na nagsasabing “26 years later.”

26 years later :)

A photo posted by Eric Villarama (@ericvillarama) on

Mayroon ding larawan ang rumored couple na may caption na “#happy.”

#happy

A photo posted by Eric Villarama (@ericvillarama) on

Ito ang reaksiyon ni Donita sa nakitang Instagram photos ng estranged husband kasama ang hindi pinangalanang babae:

“I will say that I was shocked. Because there were comments that were made after, 'What's going on?'

“Although we've been separated for a while already.

“During that whole two years plus, we've been, you know, it's been on and off, on and off.

“So people have been saying, 'But you said you we're okay. How come you're not okay now?'

“That's because it's been on and off, on and off.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, now I guess it made it official when the other day I found out that he came out with a [photo with another woman].

“I think his profile pic is with [some girl], we did talk about it the other day and he apologized to me.”

Hindi malinaw kung third party ang naging mitsa ng hiwalayan nina Donita at Eric.

Hindi pa rin daw kasi handa si Donita na magkuwento tungkol sa naging problema nilang mag-asawa.

PAINFUL. Ang tanging ibinahagi ni Donita ay ang hirap na kanyang pinagdaanan dahil sa tuluyang pagkasira ng marriage nila ni Eric.

Saad niya, “When things turn take a turn for the worse, it's a lot harder for people like myself who people have a lot of expectations of.

“In the case of my husband, I will say that it is a very painful, not just very painful, it's devastating to go through.”

Umabot pa raw sa puntong kinuwestiyon ni Donita kung bakit sinusubok nang husto ang kanyang pananampalataya sa kabila ng kaalamang pareho sila ni Eric na devoted Christians.

“I will say that there have been a lot of times I said, 'Why me?'

“I felt like I've done everything that I could.

“Why does this still has to happen to me?”

LESSONS LEARNED. Sa puntong ito, napaiyak si Donita dahil sa epekto ng hiwalayan nila ni Eric sa kanilang anak na si JP.

“The hardest part is when you have kids, in this case, my son.

“But one thing that I take comfort in knowing is that sometimes God has to work through adversity.

“We don't really learn a lot through the good times.

“It's really through the trials and difficulties you really start seeking answers, really turning to God.

“When you feel that things are hopeless. It's through adversity that we can become better people.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala raw pagsisisi si Donita dahil alam niyang ginawa niya ang lahat para maisalba ang marriage nila ni Eric.

Kaya't sa kabila ng lahat, nananatiling matatag ang loob ni Donita para na rin sa kapakanan ng anak.

“I feel that after everything that has happened to me, believe it or not, I actually feel that I've become a better person out of it.

“There's a lot of wisdom, it's not all naivete, happy-happy, joy-joy.

“Same thing with my son. My son has matured a lot through this.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN