Senator Tito Sotto defends 'victim-shaming' statement on Eat Bulaga!

IMAGE Noel Orsal

Ipinagtanggol ni Senator Tito Sotto ang kanyang naging pahayag sa babaeng contestant na nagsabing nag-take advantage sa kanya dati ang mga lalaking kainuman.


Dinipensahan ni Senator Vicente Sotto III ang kanyang naging pahayag sa noontime show na Eat Bulaga! noong nakaraang July 9, 2016, sa "Juan For All, All For Juan" segment.

Nagsimula ito nang magkuwento ang female contestant na nag-take advantage raw sa kanya dati ang mga kainumang lalaki.

Heto ang naging sagot ng senador, “Ang may kasalanan ng lahat na iyan ay yung pag-inom. Yung pa-shot-shot.

"Kababae mong tao, pa-shot-shot ka."

Tinanong din ni Tito Sen (tawag sa host) kung ano ang suot nito nung nangyari ang insidente.

Dugtong ng co-host na si Jose Manalo, “Hindi tama 'yon. Umiinom ka na, naka-shorts ka pa," sabay taas ng pantalon niya para ipakitang maiksi ang shorts ng babae.

Maraming Netizens ang nagsabing "sexist" ang comments ng mga hosts at mas isinusulong ang "don't get raped" kesa "don't rape" sa mga manonood.

Pero sa pahayag ng senador na lumabas sa Aksyon Tonite ng TV5 ngayong gabi, July 13, nilinaw nitong ang tangi niyang ibig sabihin ay hindi dapat nakikipag-inuman ang isang babaeng may asawa sa ibang lalaki.

Aniya, "It was a simple reaction saying that a married lady should not be out at night having shots [or drinking] with men other than her husband."

Sa darating na July 21, nakatakdang magkaroon ng dayalogo sa pagitan ng pamunuan ng Television and Production Exponents (TAPE), Inc., ang producer ng Eat Bulaga!, at Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Kabilang sa mga ipinatawag ay sina TAPE President and General Manager Antonio Tuviera, Senior Vice President and Executive Producer Malou Choa-Fagar, at ang senior vice president at creative head na si Jenny Ferre.

Read: MTRCB summons Eat Bulaga! execs over Sen. Tito Sotto's 'victim-shaming'

Kinontak ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Malou Choa-Fagar para tanungin kung maglalabas ng official statement ang show, ngunit tanging, ‘Wala po,’ ang sagot nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, nilinaw naman ng MTRCB na wala silang jurisdiction sa mga artista kundi sa mga shows lamang na kanilang nilalabasan o pinagtatanghalan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN