Rafael Rosell reveals why Rhian Ramos is his biggest showbiz crush

IMAGE Noel Orsal

If there's one thing about Rhian Ramos that Rafael Rosell finds irresistible, it's her mind. He says, "Yung utak kasi talaga… yung perspective in life. To find someone whom I work with intimately na pareho ng perspective, that's very rare."


Kapansin-pansin na hindi kampante si Rafael Rosell na sagutin nang diretso ang mga tanong tungkol sa samahan nila ni Rhian Ramos sa set ng bagong afternoon drama series ng GMA Network na Sinungaling Mong Puso.

Nagpaliwanag naman ang aktor na ang magandang working rapport nila ni Rhian at ng iba pang cast ng teleserye ang dahilan kung bakit parang na-conscious siya.

Aniya, “Aaminin ko, na I think it’s the first time na lahat ng cast members ng show nag-click, e.

“And it’s the first time I have appreciated everyone’s presence talaga, yung bonding namin, kuwentuhan, kulitan.

“With regards kay Rhian, unexpected lang siguro… kung sasabihin mong crush mo yung katabi mo.

“Parang nakakailang, di ba?”

Hindi itinatanggi ni Rafael ang kanyang paghanga sa naggagandahang mga dilag ng showbiz, pero kakaiba raw si Rhian.

Saad niya, “Hindi lang sa GMA, pati na rin sa ABS-CBN, ang gaganda ng mga artista at mga babae, hindi naman imposible to have a crush.

“I think this is the pinaka-crush sa lahat ng mga girls na nakatrabaho ko dito sa GMA.

“Siguro dun nanggaling yung ilang.

“It’s easy to say na, oo, crush ko siya.

“Pero when it’s a bit more… na totoo at na-hot seat ka sa harap ng maraming tao at sasabihin mong crush mo yung katabi mo, nakakailang talaga.”

And tinutukoy ni Rafael na hot seat ay naganap sa presscon ng Sinungaling Mong Puso noong nakaraang linggo.

POSSIBLE. Sa interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ipinaliwanag ni Rafael kung bakit siya attracted kay Rhian.

“I think iba yung background niya, the language barrier wala rin dahil English and Tagalog siya.

“Nakaka-relate siya sa maraming sentiments ko sa buhay.

“Isa sa mga naging crush ko sa personality niya nung sinabi niya na hindi siya mahilig sa mga designer bags.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam natin na sa showbiz, parang gusto ng mga designer bags na mamahalin.

“Personally, I don’t see the point why everybody wants it.

“To find someone who doesn’t want what mainstream wants… what everyone else wants.

“That’s strength, that’s independence to see above the shrouds that cover our perception of what you really need, not just what you really want sa buhay.

“Lumabas lang sa conversation namin, ‘Yeah, hindi ako mahilig sa mga designer bags na mamahalin, I’ve only bought one in my life.'

“And I was, like, 'Really? For someone in your stature tapos isa lang yung bag na designer na binili mo.'

“Para sa akin, ‘Wow! That’s very unique.’”

Doon ba nag-ugat ang crush niya kay Rhian, sa pagiging simple at praktikal nito?

Tugon ni Rafael, “Hindi naman parang doon lang biglang nagkaroon ng opening.

“Okay, she’s really cool, she’s really pretty… parang na-open lang yung floodgates na puwede.

“Para sa akin, yung utak kasi talaga, e, the way they think, yung perspective in life.”

LIKE-MINDED. Hindi naman daw madalas silang mag-usap ni Rhian ng mga personal na bagay.

“Pag maraming tao, it’s very shallow lang, jokes, biruan.

“Pero pag more intimate na kami lang dalawa, tapos pagod na kami sa set, doon na lumalabas yung mga deeper conversations namin.

“Mahilig talaga akong mag-share tungkol sa gobyerno, kung ano'ng ginagawa sa mga tao… and she can relate to that.

“She speaks of it as if she knows din and she has a lot of knowledge about it.

“And para sa akin, someone who actually accepts my weirdness... alam ko naman sa mundong ito, hindi lahat pareho mag-isip tulad ko.

“And I’m not forcing that upon anyone, but to find someone whom I work with intimately na pareho ng perspective, that’s very rare.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya siguro yun ang dahilan kung bakit eto ang pinaka-crush ko sa lahat ng mga nakatrabaho ko.”

Bukas din si Rafael sa pagnanais niyang ligawan si Rhian.

“I think within the first minute or ten minutes when a guy meets a girl, yun ang unang iniisip, e.

“Sa umpisa, it was like crush, okay ito, I’m excited to work with her.

“Nag-workshop kami, ang dami kasing na-open up na hindi namin puwedeng pag-usapan pero na-open up doon.

“Nakita ko yung totoong Rhian, vulnerable, ’tapos the conversation just opened up and para sa akin, wow!”

Pero malabo mapormahan ngayon ni Rafael si Rhian dahil may boyfriend ito sa katauhan ni Jason Choachuy; at maging si Rafael ay nasa dating stage ngayon with a non-showbiz girl.

Paglilinaw pa ng Kapuso actor, “I’m not the type of guy to try get someone who has a boyfriend.

“I’m here for work, I have a big crush on her, yes.

“Kung ano meron sa kanila ng boyfriend niya, I’m not gonna meddle with that.

“Like I said, I have all the respect for her and her boyfriend and their relationship.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN