Rocco Nacino finally admits breakup with Lovi Poe

IMAGE Noel Orsal

Rocco Nacino on his breakup with Lovi Poe: "It was a good two years, it was a good… it was a relationship full of love, definitely."


Sa unang pagkakataon ay inamin ni Rocco Nacino na break na sila ni Lovi Poe.

“Yeah! Obvious naman, e,” sabi ng Kapuso actor nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grand launch ng Encantadia nitong Miyerkules ng gabi, July 13, sa Studio 7 ng GMA Network.

Ngunit tumangging magbigay ng detalye si Rocco tungkol sa breakup nila ni Lovi.

Sabi niya, “Hindi na kailangang to go into details.

“It’s not for me to make kuwento, but… siguro hanggang dun na lang,” pag-iwas niya.

Sino ang nakipag-break?

“Ano na lang... you know, paano ba sasabihin ito?

“Just ano lang, I wish her good luck sa mga endeavors niya.”

Is he still hurting?

“Of course!” bulalas niya.

“It was a good two years, it was a good… it was a relationship full of love, definitely.”

Inamin ng StarStruck alumnus na ang relasyon nila ni Lovi ang pinakaseryoso sa lahat ng relationships niya.

“Pinakamalalim ko ito, pinakamalalim,” sabi niya.

Naka-move on na ba siya?

“Trying to, trying to... Ito yung pinakanagmahal ako, iyon ang masasabi ko.”

Inamin ni Rocco na iniyakan niya ang breakup nila ni Lovi.

“Of course, of course, until now.”

So, hindi pa siya tapos umiyak?

“Hindi pa. Yeah, it’s painful, but I’m getting by, getting by.”

MONEY ISSUE. Third party ba ang dahilan ng breakup nila?

“No third party,” mabilis niyang tanggi.

So, ano ang dahilan? Sa career ba o ang mga isyu na naglabasan?

“A, hindi, hindi… Walang kinalaman sa issues, walang third party.

“Iyon, I can be sure, walang third party talaga.

“Personal reasons, personal reasons.”

May intrigang lumabas noon na isa sa naging gusot sa pagitan nila ni Lovi ay ang diumano’y paggalaw ni Rocco sa joint account nila.

Paano ipagtatanggol ni Rocco ang sarili sa isyu ng pera?

Pahayag niya, “Isa lang ang masasabi ko, maayos yung pagpapalaki sa akin ng magulang ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And hindi rin ako naniniwala sa… yung having a joint account.

“Kaya sa relationship, dapat kanya-kanya.

“Pag boyfriend-girlfriend pa lang kayo, hindi dapat.”

So, wala silang joing account?

Diin ni Rocco, “Wala kaming joint account. Wala.

“And I earn my own money naman, e, so I can buy my own things.

“Hindi ko kailangan ang pera ng ibang tao.”

Naramdaman ba niya na tila hindi siya naprotekthan o naipaglaban sa mga isyung naglabasan tungkol sa kanya?

Paglilinaw ni Rocco, “Tinulungan naman ako ni Lovi.

“I’m happy naman na she was there for me, when I needed her.

“Kasi wala namang katotohanan yun, e.

“At kilala naman niya ako, kilala naman niya ang pamilya ko, na hindi ako pinalaki na ganun.”

THIS TIME FOR REAL. Lumabas noon na break na sila, pero sila pa rin that time; this time ba ay nauwi na lang talaga sa hiwalayan ang balitang wala na sila?

Ayon kay Rocco, “Well, because of some reasons pero, of course, may rason talaga.

“But then, iyon nga, the thing is we had a good run. No regrets.”

Sa ngayon, kapag naiisip niya si Lovi, ano ang kanyang naaalala?

“The good times, of course. Good memories,” tugon ni Rocco.

Wala na bang chance na magkabalikan sila?

Sagot ng Kapuso actor, “Hindi ko alam. Siyempre doors will always be open.”

Wala na ba silang komunikasyon?

“Now, no, no… Better na nakatuon ang oras ko dito sa Encantadia.

“So, I’m happy. I’m actually happy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN