Pokwang claims Japanese ex-boyfriend is stalking her on Facebook

IMAGE Noel Orsal

Pokwang on the Japanese father of her daughter: "Kung gusto niyang ma-meet anak niya, pumunta ka dito, huwag puro Facebook. Para sa anak ko, lahat gagawin ko, lahat lulunukin ko, lahat titiisin ko para sa anak ko."


Kinumpirma ni Pokwang na nagpapakita ng interes ngayon ang ex-boyfriend niyang Japanese sa kanilang anak na si Ria Mae.

Kuwento ng Kapamilya comedienne, “May nagsabi sa akin na ini-stalk niya ako sa Facebook. E, di ang ganda ko!

“Siguro kasi tinitingnan niya yung mga pinu-post ko, kung ano na ang hitsura ng anak niya.”

Pero sabi ni Pokwang, “Hanggang ganun ka na lang, sorry.”

Ano ang gagawin niya kapag pinakiusapan siya ng kanyang ex na makita ang kanilang anak?

Sagot ni Pokwang, “Ay, sorry, busy ako, may sakit, tulog, umalis!

“Kung para sa anak ko, okay, why not? Kung para sa anak ko, ha.

“Kung gusto niyang ma-meet anak niya, pumunta ka dito, huwag puro Facebook.

“Para sa anak ko, lahat gagawin ko, lahat lulunukin ko, lahat titiisin ko para sa anak ko.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Pokwang sa farewell presscon ng Kapamilya afternoon soap na We Will Survive noong July 11.

Sa ngayon daw ay naka-move on na siya nang husto mula sa hindi magandang karanasan niya sa ama ng kanyang anak.

“Sobra, sobra move on ko, di ba? I’m so happy and blessed.”

Masaya nga naman kasi ngayon si Pokwang sa piling ng kanyang American boyfriend na si Lee O’Brian.

Ibinalita nga ni Pokwang na sa August ay mami-meet na niya nang personal ang mga magulang ni Lee sa Amerika.

“Yes, sa August, meet the parents na ako.

“Nagdala ako ng maraming Webster dictionary, maraming tissue.

“After ng show sa August 19 and 20, pupunta kami sa kanila, sa Bay area.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN