Ruru Madrid admits getting upset with bashers after bagging Ybarro role in Encantadia

IMAGE Noel Orsal

Ruru Madrid admits getting depressed with his bashers after announcing that he got the Ybarro role in Encantadia's requel. However, he took it positively and made him to put his best foot forward in portraying the role once portrayed by Dingdong Dantes. "Noong time lang po na yun medyo nalungkot ako. Pero ngayon, sige bash lang, ite-take ko siya in a positive way."


Inamin ni Ruru Madrid na minsan na siyang na-depress dahil sa mga namba-bash sa kanya simula nang makuha niya ang role na Ybarro sa requel ng Encantadia.

Ngunit ayon sa young Kapuso actor, mas pinili niyang maging positibo sa mga puna ng netizens.

Saad niya, “Sobra po ako na-depress, pero mas pinili ko po na, kumbaga, i-take siya in a positive way.

“Parang sabihin ko sa sarili ko na, 'I-bash niyo lang ako, ayan yung magpapalakas sa akin para lalo akong magpursigi dito sa role na ito, mas lalo ko maipakita sa inyo na deserve ko itong role na ito.'”

May mga nagsasabi kasing masyado siyang bata para sa role, at hindi pa gaanong kalakihan ang kanyang katawan.

Subalit nang ipakita ang unang teaser ng Encantadia, kung saan nakasuot na si Ruru ng costume ni Ybarro, isa sa naging trending topic sa Twitter ang kanyang character at puro positibo ang tweets tungkol sa kanya.

Sabi niya, “Pag-check ko, yung trending na Ybarro, wala na yung bash. Hindi na siya katulad ng dati.

“Noong time lang po na yun medyo nalungkot ako.

“Pero ngayon, sige bash lang, ite-take ko siya in a positive way.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Ruru sa grand press conference ng Encantadia kahapon, July 13, sa Studio 7 ng GMA Network Center.

FORMER AND NEW YBARRO. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na si Dingdong Dantes ang unang gumanap sa role ngayon ni Ruru na si Ybarro/Prinsipe Ybrahim.

Ayon sa 18-year-old actor, natutuwa siya sa mga magagandang salitang binitawan ng dating Ybarro tungkol sa kanya.

“Kasi una, napanood ko po sa 24 Oras yung interview niya na ano masasabi niya na ako gaganap bilang Ybarro.

“Sabi niya, sobrang natuwa siya, sobrang masaya siya na ako [yung] gaganap bilang Ybarro.

“At sobrang proud daw siya sa akin dahil nasubaybayan niya ako from Protege, dahil siya host doon, and ngayon ako na gaganap bilang Ybarro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi niya, dapat daw matuto akong matulog sa gubat, kailangan physically fit ka.”

Dahil dito ay nagpasalamat si Ruru kay Dingdong sa pamamagitan ng Twitter.

“Sabi ko, 'Kuya Dong, thank you na na-appreciate niyo po yung pag-audition ko sa Encantadia, salamat sa 'yo dahil never ka nawala.'

“Sabi niya, good luck, magpursigi daw ako dito.

“Tapos, kumbaga, mag-gym daw ako nang todo. Pakita ko daw na kaya ko.”

At dahil si Dingdong ang Primetime King ng GMA-7, posibleng si Ruru na raw ang maging Primetime Prince dahil pareho nilang ginampanan ang role na Ybarro.

Reaksiyon ni Ruru, “Di ko po masasabi yun, marami pa po akong kakaining bigas.

“Siyempre po si Kuya Dong, marami na po siyang pinagdaanan sa showbiz.

“Kailangan ko rin pong tahakin yun lahat-lahat, at kailangan maipakita ko po na kaya ko ito, kaya ko po lahat-lahat, kaya ko itong role na ibinigay sa akin.”

ALJUR ABRENICA. Isa rin sa mga lumitaw na pangalan noon na pinagpipiliang gumanp na Ybarro ay si Aljur Abrenica.

Inamin naman ni Aljur noon na pinag-audition din siya sa nasabing role subalit hindi siya pinalad na makuha.

Read: Aljur Abrenica loses to Ruru Madrid for Ybarro role in Encantadia

Saad naman ni Ruru, akala niya rin ay kay Aljur mapupunta ang much-coveted role.

“Noong hindi pa po ako nag-o-audition noon, sabi ko, for sure si AJ na 'yan dahil siya na yung gumanap bilang Machete.

“At bagay na bagay sa kanya yung role na Ybarro dahil ganun na ganun yun, e. Kumbaga, maganda yung katawan ni AJ.

“Pero sabi ko po sa sarili ko, try ko lang mag-audition, wala naman pong mawawala.

“Kung hindi man po ako makuha dito, kumbaga mag-o-audition na lang ako sa ibang role.

“E, pinalad po ako na ito yung nakuha kong role, kaya sobrang thankful po ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At sa Lunes, July 18, ay magsisimula na nga ang Encantadia.

Hindi ba siya nakakaramdam ng pressure lalo na't isa siya sa mga bida nito, at nakasalalay ang pag-rate ng show sa kanila?

Sagot ni Ruru, “Siguro po, kumbaga, hardwork and teamwork.

“Kumbaga, lahat kami, parte nitong show na 'to.

“Kahit na anong role mo dito, dapat makiisa ka.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN