Encantadia star Sanya Lopez denies getting a boob job

IMAGE Noel Orsal

Sanya Lopez on those who doubt her capability playing the role of Danaya in Encantadia: "Hindi ko po maiwasang hindi maapektuhan, pero pinipilit ko na gawin ko siyang constructive yung mga sinasabi ng tao, which is mas makakatulong din po sa akin. At saka, gagawin ko po ang best ko bilang si Danaya."


Aware daw ang newbie actress na si Sanya Lopez na may mga kumukuwestiyon sa pagkakapili sa kanya upang gumanap bilang isa sa mga Sang’gre sa Encantadia.

Ang mga sang’gre ang mga pangunahing tauhan sa Kapuso telefantasya; gagampanan ito nina Glaiza de Castro (Pirena), Kylie Padilla (Amihan), Gabbi Garcia (Alena), at si Sanya (Danaya).

“Kahit naman po ako!” natawang sabi ni Sanya tungkol sa mga nagtataka sa pagkakasama niya sa lead roles.

Hindi ba siya naaapektuhan kapag nakakabasa ng mga negatibong komento?

Tugon niya, “Ako po kasi, ang iniisip ko na lang, nire-respect ko na lang ang sinasabi nila.

“Kasi, hindi ko naman po maiaalis sa kanila na isipin nila yun.

“Bilang nga po ako ang pinaka baguhan, nire-respect ko po kung anuman ang decision nila.”

Hindi siya nasasaktan?

“Hindi ko po maiwasang hindi maapektuhan, pero pinipilit ko na gawin ko siyang constructive yung mga sinasabi ng tao, which is mas makakatulong din po sa akin.

“At saka, gagawin ko po ang best ko bilang si Danaya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sanya sa grand launch ng Encantadia nitong Miyerkules, July 13, sa Studio 7 ng GMA Network.

RETOKE BEAUTY. Isa pang isyung ibinabato ngayon kay Sanya ay nagparetoke raw siya ng katawan, partikular na ang kanyang dibdib, bago gawin ang Encantadia.

Ngunit tanggi ng Kapuso talent, “Wala po, hindi po.

“Kung sakali po siguro... kasi mahiyain po ako dati.

“E, kailangan po kasi ganyan na, pero may mga nakatagong pandesal ‘yan!”

Pero may mga larawan siyang lumalabas sa social media na ‘before-and-after look’ daw niya.

Sabi ni Sanya tungkol dito, “Well, yun nga po, hindi ko po siya gustong i-expose dati, nahihiya pa po ako.

“Unlike kapag nakaganyan [fit and sexy na pang-itaas], mas malaking tingnan.

“Minsan niloloko nila na ‘foam lang ‘yan.’ Kaya sabi ko, ‘huwag kayong maingay.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa mukha niya, wala siyang pinabago?

Sagot niya, “Ano pa lang, teeth, yun lang po.

“Nagpapa-facial pa lang ako, body scrub, yun lang po.”

LEADING MAN. Ang love interest ni Sanya sa Encantadia ay si Rocco Nacino.

Nabanggit ni Sanya sa presscon na ‘NBSB’ o no boyfriend since birth siya.

Loveless din ngayon si Rocco dahil kaka-break nila ni Lovi Poe.

Read: Rocco Nacino finally admits breakup with Lovi Poe

Paano kung ligawan siya ni Rocco?

“Ay, kinilig?!” natawang sabi ni Sanya.

Dagdag niya, “Why not naman po, for me, di ba?

“Sino naman po ang hindi magkakagusto kay Rocco Nacino na isa sa pinakaguwapo rin naman sa atin?”

May pag-asa na pala agad ang Kapuso actor kung manliligaw sa kanya?

“Hindi po natin masasabi ‘yan, pero bakit hindi, sa tamang panahon.”

Sabi pa niya tungkol sa kapareha, “Sobrang gentleman naman ni Rocco, at kapag kasama ko siya, nire-respect naman niya ako.

“Bakit po hindi kung ganoong klaseng tao, hihindian mo?

“Pero malayu-layo pa po, mga five years from now... ang tagal!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN