Angelina Mead King overwhelmed by positive response from the public

IMAGE @hailtothe_queen on Instagram

Ayon kay Angelina Mead King, pakiramdam niya ngayon ay nakalaya na siya. Sabi niya tungkol sa pagtago sa kanyang totoong kasarian noon: "Because my biggest fears were just rejection and hate and criticism."


Matapos ilantad sa publiko ang kanyang tunay na kasarian, pakiramdam daw ni Angelina Mead King—dating si Ian King na asawa ng modelo at events host na si Joey Mead—ay malaya na siya.

Sabi niya kay MJ Marfori sa panayam nito na lumabas sa InterAksyon.com, “First off, I feel free! I feel me, and that’s a good thing.”

Malaki raw ang pasasalamat niya na tinanggap siya hindi lamang ng kanyang mga kaibigan at mga kamag-anak, kundi maging ng mapaghusgang mata ng publiko.

Aniya, “It’s very difficult obviously.

“I’ve been dealing with this for a very long time in my life and and to be so well received by the public…

“My friends and family knew obviously for a very long time, but to be so well received was such an interesting feeling.

“Because my biggest fears were just rejection and hate and criticism, and I didn’t want that for me and my family.

“But now it’s the total opposite. People are looking up to us.

“We are now inspiring other people to come out and it’s just been so amazing.”

Matapos daw nito, marami na ang nag-iimbita sa kanila ni Joey na LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual, Transsexual) groups para sa inspirational talks.

Matatandaang nitong huling bahagi ng Hunyo, inilantad ni Ian na siya ay isang trans woman at kilalanin na bilang si Angie.

Read: Joey Mead's husband Ian King is now a trans woman


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN