Derrick Monasterio 'siblingzoned' by Bea Binene; admits crush on new GMA talent

IMAGE Noel Orsal

Derrick Monasterio on his dream leading lady Jessy Mendiola: "Kasi ano siya, sexy talaga at saka hindi siya yung masyadong sosyal. Parang maamo lang ang mukha niya."


Mixed emotions ang Kapuso star na si Derrick Monasterio sa pagtatapos ng afternoon series nila ni Bea Binene na Hanggang Makita Kang Muli ngayong araw, July 15.

Pahayag niya, “Malungkot, kasi wala pang sinasabing kapalit.

“Masaya, kasi mataas ang rating, parang bihirang-bihira kaming natalo.”

Pero kung mabibigyan daw siya ng pagkakataon, gusto niyang gumanap sa remake ng isang sumikat ng teleserye, katulad ng Mulawin.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derrick sa launch ng YES! 100 Most Beautiful Stars noong July 11 sa Luxent Hotel.

Isa si Derrick sa napabilang sa listahan ng YES! ngayong taon.

‘SIBLINGZONED.’ Sa isang banda, nagtapos na ang teleserye nila, pero mukhang wala talagang nagbalik na romantic emotion kina Derrick at Bea.

Paliwanag ng 20-year-old actor, “Yung relationship kasi namin ni Bea, parang mas higit pa sa magdyowa. Parang magkapatid, ganun.

“Sabi nga nila, di ba, blood is thicker than water?”

Kung mayroon palang friendzone, sila ni Bea, naging 'siblingzone'?

“Oo, siniblingzone namin ang isa’t isa!” tawa niya.

Pinag-usapan nila na hanggang ganun lang sila?

Ayon kay Derrick, “Hindi naman, parang nawalan na lang ng chance na ligawan.

“Hindi rin naman sa nawalan ng interes, wala na lang yung romantic... siblingzone nga.”

JESSY MENDIOLA. Consistent naman si Derrick sa pagsasabing gusto niyang makapareha ang Kapamilya star na si Jessy Mendiola, na itinanghal na FHM Sexiest Woman for 2016.

Bakit ba niya gusto si Jessy?

Saad ni Derrick, “Kasi ano siya, sexy talaga at saka hindi siya yung masyadong sosyal.

“Parang maamo lang ang mukha niya.

“Pero siyempre, kung dito tayo sa GMA, gusto kong makasama si Kim Domingo.”

Sabi pa niya, “Actually, meron akong gustong bago sa GMA, kaya lang... huwag na lang, hindi niya alam na crush ko siya!”

Sa kakakulit namin, inamin din ni Derrick kung sino ang tinutukoy niya—si Pauleen Mendoza isa sa mga bagong talent ng GMA Artist Center.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Derrick, “Nagulat nga ako noong nakita niya ako, nagpa-picture siya sa akin.

“Akala mo siya lang ang kinikilig, pero kinikilig din ako.

“Kaso, bagets, e! Gusto ko lang kasi maganda yung mukha niya.”

Happy Birthday Pauline Mendoza @_mendozapauline ???????????????? From your GMA Artist Center Family

A photo posted by GMA Artist Center (@artistcenter) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN