Kris Bernal ready for mature, sexy projects

IMAGE Noel Orsal

Kris Bernal has no problem showing her acting chops, but her youthful looks seem to be a disadvantage to her career. She explains, "It's time for people to see that I could be mature and could do sexy also. Kasi na-stuck ako na sweet-sweet ako, e, I'm 27, ready na ako."


Wala namang nagbabawal sa kanyang magka-love life, pero single pa rin ngayon ang Kapuso actress na si Kris Bernal.

Sabi nga niya, “Ang tagal nang wala, mga two years na siguro, ang last ko si Carl [Guevarra] pa rin.”

Na-link si Kris sa co-star niya sa Little Nanay na si Renz Fernandez, at hindi naman niya ito itinanggi.

“Nanligaw lang siya pero hindi naman naging kami.

“Siguro in-entertain mo nong una, pero if you get to know the person, merong hindi kayo magdya-jibe, mga ganun.”

Pero paglilinaw niya, “Hindi ako na-turn off, super-bait niya, super sweet niya.

“Kaya lang, meron lang differences or ugali sa isa’t isa na hindi kami magkasundo.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kris sa media launch ng YES! Magazine 100 Most Beautiful Stars noong July 11.

UNEXPECTED. Natutuwa nga raw si Kris sa pagkakasama niya sa YES! 100 Most Beautiful Stars.

Hindi nga raw niya inaasahang mapapansin siya sa dami ng mga magaganda at naggaguwapuhang artista sa local showbiz.

Sabi niya, “Nagulat talaga ako, marami naman diyan. Kumbaga, bago ako, sila muna.

“Pero yun nga, may category raw, and then nakita nila na pasok ako doon sa category.

“Kaya I’m very thankful to YES! Magazine talaga.”

Isa si Kris sa may pinakamagandang physique ngayon sa showbiz.

Pero hindi siya nakasama sa listahan ng FHM 100 Sexiest Women of The World 2016.

Komento ng Kapuso actress, “Hindi naman ako nadi-disappoint.

“Pero it’s time for people to see that I could be mature and could do sexy also.

“Kasi na-stuck ako na sweet-sweet ako, e, lalo na yung last kong ginawa na Little Nanay, sobrang bata talaga.

“Kailangan kong ma-divert sila na yung image ko, I could do other things and be versatile.”

Hindi naman isinasara ni Kris ang posibilidad na mag-pose sa FHM, “Gusto ko rin naman, I’m 27, ready na ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May mga offer naman, pero I let GMA Artist Center decide on that matter.

“Pero kung hindi pa talaga timing now, hindi talaga.

“Kung para sa trabaho, ready ako pag sinabi nila at makakatulong sa career ko. Why not?”

LIMITATIONS. Hanggang two-piece swimwear o sexy outfit lang daw ang kayang gawin ni Kris kung sakaling mag-pose siya sa kahit na anong men’s magazine.

May mga limitation daw kung sakali.

Hindi pa raw niya kaya na ang kamay lang niya ang tatakip sa kanyang boobs.

Sabi pa niya, “Kung kumot or towel, puwede.

“Grabe, makikita naman yung gilid ng boobs ko… ano yun, nipple lang ang tinakpan ko?

“Conservative kasi ang family ko. Not just my family, ako rin mismo, conservative.

“Kung gagawin ko, para sa trabaho ito… pero kung para sa career, game ako, huwag naman yung sobrang parang hubad na ako.

“Pagdating naman sa acting project, depende rin naman sa role na medyo mature or depende rin sa imaging ng GMA Artist Center.

“Sa ngayon kasi, pinapalabas nila ako na medyo daring.

“Kunwari pag may event na mature, gusto nila mature yung hitsura ko.

“Pero huwag naman yung… two-piece sa pictorial puwede, huwag naman yung nagku-cover lang ng boobs ko, kamay or braso ko.”

Pero sa nakikita sa kanya sa Instagram, may photos si Kris na naka-two piece at sexy ang mga oufit niya.

Paliwanag ng aktres, “Siguro I wanna show them also na on TV na ganito ako.

“Kung sa personal life ko, mas ganito ako ka-independent.

“If I’ll stick to that na ipapakita ko sa Instagram na naglalaro na parang bata, hindi ako maggu-grow.

“In all honesty, every time I pose sexy, yun ang most ‘like’ photos ko, ang highest ano ko.

“Ang weird nga, e, nung nag-post ako in swimsuit, yun yung pinakamataas kong likes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Napag-iisip ko na din, I’m open to do sexy and mature roles… pero siyempre, may limitation.”

YOUTHFUL. Umaasa si Kris na mapapansin ang pinagsamang kaseksihan niya at potential bilang isang aktres kahit nga raw sana sa indie films.

Aniya, “Wala nga, e, kahit indie film man lang na parang… yung maging dark yung character, di ba?”

Nahihirapan si Kris na kumbinsihin ang mga manonood dahil kahit anong makeup sa kanya, nagmumukha pa rin siyang bata.

Sabi naman niya, “Hindi ako nadi-disappoint kasi may advantage, e. I get to do lead roles.

“Ako yung nagiging api-api dahil maliit ako, dahil maliit ang face ko, dahil mukha akong bata.

“Pero feel ko kailangang makita rin nila yung versatility ko through the roles na...

“So, hindi pa siguro time, in time naman darating yun.

“Ako naman, any time, ready ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN