Bela Padilla clarifies rumored issue with Maja Salvador

IMAGE Noel Orsal

Bela Padilla seems to have moved on beautifully after Ang Probinsyano. She is now doing a comedy role, and grateful for the opportunity to show her versatility. "Nakagawa ako ng kakaiba naman, at pangarap ko na gumawa ng comedy," she says.


Ikatlong pagkakataon na ni Bela Padilla na makasama sa listahan ng YES! 100 Most Beautiful Stars.

Sa kategoryang 'Acting Bet' nakahanay ang Kapamilya actress ngayong taon.

Ayon kay Bela, “Masaya, maganda kasi kapag YES! 100 Most Beautiful, iisipin agad ng audience, readers ng magazine, na automatic, puro maganda lang.

“At least, nakakatuwa na nasama ko sa category na different, acting.

“Napapansin na yung performances ko.

“So, nakakatuwa to be recognized with something aside from your face.”

Posible rin daw na napansin ng YES! ang pagganap niya sa huling primetime series na ginawa niya, Ang Probinsyano.

“Yun po kasi ang huling project ko or pinagkaabalahan ko last year, ang Ang Probinsyano.

“So, feeling ko, yun siguro kung bakit ako nakasama sa YES! 100 Most Beautiful.”

Isa si Bela sa mga artistang dumating sa launch ng YES! 100 Most Beautiful Stars noong Lunes, July 11, sa Luxent Hotel.

NON-ISSUE. Masaya raw si Bela kahit ginagawang isyu ng ilan ang pagkawala niya sa naturang primetime series ng ABS-CBN.

Sabi nga niya, “Ganun po kasi talaga ang story, yung wife ni FPJ, si Dindi Gallardo, noong nalaman niyang namatay ang asawa niya, nawala siya sa story.”

Ang yumaong si Fernando Poe Jr. ang gumanap sa orihinal na Ang Probinsyano.

“Dapat nga po week eight, patay na ako, pero umabot ako ng week 29,” dagdag pa ni Bela.

Ang balita raw niya ay hanggang March 2017 pa ang teleseryeng pinagbibidahan ni Coco Martin.

Inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bela sa tila hindi talaga nabigyan ng linaw na isyu diumano nila ni Maja Salvador.

Ito raw ang dahilan kung bakit siya nawala sa Ang Probinsyano.

Mabilis naman itong pinabulaanan ni Bela.

Aniya, “Wala, wala pong isyu at walang problema.

“May Viber group ang Ang Probinsyano na nandoon pa rin ako.

“Recently nga, nag-usap pa kami ni Maj.

“Honestly, wala talaga, yung fans lang talaga, which is very understandable.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre yung ibang tao, ang gustong makatuluyan [ni Coco] si Maja; yung iba naman, ako.

“So, hindi mo maiiwasan yun, lalo na it’s a very controversial show. Mataas talaga ang ratings.

“Iba-ibang opinyon... Wala talaga, wala kaming problema.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN