Ken Chan hard-pressed to erase Destiny Rose image

IMAGE Noel Orsal

Ken Chan: "Wala akong nire-regret sa ginawa ko sa Destiny Rose… yun ang pinaka-memorable at beautiful na ginawa ko sa career ko. Yun nga lang may consequences… medyo nahirapan kaming tanggalin siya."


Aminado si Ken Chan na nahihirapan ang Kapuso network na hanapan siya ng teleseryeng babagay sa kanya at walang bakas ng pagka-bading.

Napakahusay kasi ng pagganap niya bilang isang transgender sa nagtapos nang afternoon drama series na Destiny Rose.

Ilang buwan na ang nakalilipas, pero wala pang active project na kasunod ang aktor.

Nangingiting komento ni Ken, “Inaayos pa lang ng GMA, pina-plan pa nila kung ano ang susunod na gagawin.

“Hirap sila, nahihirapan sila, kahit ako nahihirapan.

“Actually, humingi po ako ng bakasyon. Ibinigay naman po nila sa akin yung three months halos.

“Nag-workshop po ako, acting workshop. So, ngayon, dire-diretso na ako.

“Maybe mag-start na po ako ng taping ngayong August or September.

“Meron na po, hindi ko alam kung anong title at kung sinong makakasama.”

Hindi rin itinanggi ni Ken na naapektuhan ang image niya bilang isang straight actor dahil nga sa tagumpay ng Destiny Rose.

Pahayag niya, “Naapektuhan, pero hindi naman sobrang negative.

“Naapektuhan in a way na pag iniimbitahan ako sa mga teleserye, gusto nila Destiny Rose, laging ganun.

“Okey lang sa akin, pero yung GMA, ayaw na talaga.

“Sobrang inihihiwalay na nila sa akin si Destiny Rose.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ken sa media launch ng YES! Magazine 100 Beautiful Stars noong Lunes, July 11, sa Luxent Hotel.

NO REGRET. Hindi ba pinagsisihan ni Ken na tinanggap niya ang ganung role na hindi pa siya established actor?

Sagot niya, “Wala akong nire-regret sa ginawa ko sa Destiny Rose.

“For me, yun ang pinaka-memorable at beautiful na ginawa ko sa career ko. Hindi ako nagsisi na ginawa ko siya.

“Actually, bago ko ginawa yung series, maraming discussion muna… eto yung launching mo, ito yung tatatak sa tao.

“Hindi na kailangan, sabi ko, ayaw ko nang pakawalan ito.

“Hindi ako nagkamali dahil hanggang ngayon, dahil ang Destiny Rose, hindi lang namamayagpag dito kundi pati sa ibang bansa.

“Sobrang suwerte ko na ginawa ko yung project.”

Pero bakit sa Lip Sync Battle Philippines ay in character pa rin si Ken gayong ayaw na pala ng network na mag-gay chararacter siya uli?

Paglilinaw niya, “Lip Sync Battle naman po yun, yun na ang pinaka-last na magbababae role ako.

“Mahirap na raw, ayaw na nila akong ipakita sa mga televiewers na babae.

“Medyo mahirap ialis sa image yung pagiging transgender.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GETTING UNSTUCK. Alam daw ni Ken na hindi pa rin nawawala ang gender issue sa kanya kahit wala na sa ere ang show niya.

Komento niya, “Tini-take ko yun as positive, kasi sobrang naging effective at nabigyan ko ng justice yung Destiny Rose.

“Talagang yun ang goal ko na gusto kong magdalawang-isip ang mga tao na bading talaga ako, which is nakuha namin.

“Yun nga lang, may consequences na after Destiny Rose… medyo nahirapan kaming tanggalin siya.”

May mga nae-encounter daw na bashers si Ken sa Instagram na tumutukso sa kanyang bakla.

“May mga mangilan-ngilan, pero hindi kasi ako pumapatol.

“Actually, hindi ako nasasaktan kapag may nakikita akong negative comment, isa o dalawa, okey lang.

“Yung ibang mga artista nga diyan, pag in-issue, grabe.

“Sa akin, maliit na isyu hindi na dapat patulan.”

Hindi rin daw rason kay Ken na para lang mawala ang gender issue sa kanya ay magkaroon na siya ng girlfriend,

“Mag-concentrate muna ako sa career,” sabi niya.

Ang susunod na project ni Ken ay kabaliktaran ng transgender role niya sa naunang serye. Isang tunay na lalaki na ang gagampanan niya.

Sabi pa niya, “Ibang-iba talaga, yun ang pinaghahandaan ko ngayon kung anuman yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN